Chapter 34

1 0 0
                                    

Xian's POV

THE war end nang kami ang panalo. Makikita ang galit sa mukha ni Alpha habang nakaluhod at naghahabol ng hininga. Pinunasan ko ang gilid ng labi ko.

Tatalikod na ko nang magsalita si Alpha. "Andreus..." Pero ang mata ko napako sa grupong kalalabas lang ng front door. "Hindi pa dito tapos ang laban." Hindi ko pinagtutuunan nang pansin ang sinabi nito.

Nagtagis ang bagang ko ng sadya akong banggain sa balikat. Handa na akong lumapit pero pinigilan ako ni Kairo.

"Hayaan mo na." Tinanggal ko ang kamay niya sa balikat ko at nauna ng umalis.

Hindi ko alam na ang gang ni Thyzon ang sinalihan nila Haniah. Hindi ko na 'yon inungkat dahil ilang linggo lang silang naglagi doon. At isa pa bihira kaming manood ng war nang mawalan kami ng gana. Ni isang beses hindi ko napansin na talaga palang bumuo siya ng gang.

Sabagay, matagal na niyang gustong pagharian ang V10.

"Pare hindi ka puwedeng basta na lang umalis." Namomroblemang aniya.

Naiinis akong humarap sa kaniya. "Thyzon. Commander na mismo ang nagsabi buwagin na ang gang."

"Kaya nga tayo ang humawak. Kaya naman natin."

I licked my lower lips. "Kung gusto mo ikaw na lang." Nahagip ng mata ko ang ilan sa mga member na nakikinig sa diskusyunan namin.

"Bakit ako lang? Kung pwede namang tayo?" Singhal niya.

"Look. Hindi na ako interesado. Lahat ng council nag-alisan na. Ano pa bang gusto mo?"

"Nasa V9 na tayo. Ngayon pa ba tayo susuko?" Hindi ko maintindihan ang pinaglalaban niya. Kung gusto niyang ipagpatuloy, then be it. Bakit ako ang pinipilit niya?

"Wala akong pakialam." Natigilan siya sa sinabi ko. Nawala ang kulay ng mukha niya. Nainsulto sa sinabi ko. "Kung gusto mo mag-isa ka. Huwag mo akong pilitin."

"Hindi porque alam mong malakas ka sa war. Ganiyan ka na kung magsalita Xian." He emphasized.

"Ikaw lang naman ang may gustong maging V1. Bakit kailangan mong mangpurwisyo nang tao?" Wala nang pakialam sa sinasabi.

Pinilig niya ang ulo. Sinamaan niya ako ng tingin. "Oras na gumawa ka ng sarili mong gang. Maghaharap at maghaharap tayo sa battlefield." Seryosong banta niya. "At sa oras na 'yon. Tatalunin kita."

Humakbang na ako palabas pero matapos ang tatlong hakbang ay huminto ako. "Huwag ka nang umasa na matatalo mo ko Thyzon. Sa loob man o labas ng battlefield."

Natinag ako sa pag-iisip ng lumapit si Haniah. Nag-iwas ako ng tingin ng deretso siyang tumitig sa'kin.

"What happened to you?" Natatawang aniya.

"What do you want?" Pilit pinaseryoso ang boses ko.

"I have the final platform. Inayos ko na din iyan kagabi. I just need your approval." Kinuha ko ang inabot niyang blue folder.

Hanga talaga ako sa creativity niya at fashion when it comes to this field. Sa tatlong araw na pag-aayos ng Task ay hindi naging madali, we need to crap Kes at Bella para makagawa.

"It's good. Sino ang magsusubmit nito? Hanggang 12 midnight na lang ang due."

"Ako na lang." Tumayo ako dala ang folder.

"Hey! Where are you going?" Habol niya sa'kin. Napangiti ako ng hawakan niya ang laylayan ng damit ko.

Ang liit kasi eh.

Role Play UniversityWhere stories live. Discover now