Chapter 22

2 0 0
                                    

Zeke's Pov

"ANNOUNCEMENT, next week na ang Coterie Acquaintance Party and according to the announcement it's either you have a partner or none, it's up to you guys." Anunsyo ni Xian.

"But it's better if you have a partner, chance mo na 'yan para sa kaniya." Nakangising ani Kairo at bigla akong tinignan.

Potek.

I automatically glance at Bella, and seryoso siyang nakikinig sa anunsyo ng dalawa.
Nagulat ako ng sikuhin ako ni Kairo at bumulong. "Ikaw naman." Nainis ako sa hitsura nitong mapang-asar.

"A-ahh.. Ano... Don't pressure yourself to find a partner, narinig niyo naman sa announcement ni Com. Kahit walang partner makakapunta at magsasaya pa rin sa party." Sabi ko at tinignan ko si Kairo na nakanguso na, nagmukha akong against sa kaniya HAHAHA.

Then, tumingin ulit ako kay Bella na kausap si Keize, paiba-iba ang expression ng mukha niya. May happy, sad and the cute part for me is when she's doing pouting.

She looks cute.

"Matunaw." Nagulat ako ng biglang bumulong sa'kin si Kairo. "Inlove ka ba?" At ngumisi pa siya.

"Hindi no." Pagtanggi ko.

Parang ang defensive nang dating ko ah.

"Indenial." Dinig kong sabi ni Xian, nagsialisan na ang mga member after the announcement, kaming tatlo na lang ang naiwan dito.

"Kunwari ka pa, mag-aya ka na rin." Sabi naman ni Kairo sa kaniya.

"With whom?" Taas kilay na tanong sa kaniya ni Xian.

"Kay Czarina." Nakangiwing ani Kairo, napairap si Xian sa kaniya at binuksan ang coke in can. "Pwede rin si Keize." Bigla na lang nabuga ni Xian ang iniinom niyang Coke. Natawa ako, HAHA!

"What the-- So, this is about me now huh?" Naningkit ang mata ni Com.

"Potek! kayo na nga tinutulungang magkaroon ng partner mga choosy pa, lalo ka na." Dinuro pa talaga ko.

Gago talaga 'to si Kairo.

"Wala akong alam sa sinasabi mo." Saad ko at umiwas pa ko ng tingin sa kaniya.

"Sus! Bahala kayo sa buhay niyo." Kunwaring galit na sabi ni Kairo at nagwalkout pa, nagkatinginan kami ni Xian at parehas na nagkibit balikat saka sumunod sa baklang Kairo.

"Xian, Can you be my partner for the upcoming party?"

"Kairo may partner ka na?"

"Pwede mo kong maging kapartner Zeke."

Alok sa'min ng mga babae na taga-ibang gang, nakaupo nga lang kami dito sa may cafeteria pero kulang na lang pagkaguluhan na kami ng lahat ng babae para lang maging partner kami.

"Iba talaga kapag gwapo, 'di mo kailangang maghanap ng partner kasi kusa na silang lalapit." Mayabang na sabi ni Kairo at sumandal pa sa kinauupuan niya.

Feeling to eh!

Tahimik naman si Xian habang nagbabasa sa hawak niyang magazine. Hindi ko naman alam ang gagawin kaya nginingitian ko na lang sila

Paano ba ko makakatakas sa ganitong sitwasyon?

Ang kukulit nila naiirita na ko, panay sila tanong kung pwede ko silang maging partner, naka earpods na ngayon si Xian habang si Kairo nakikipagdaldalan pa sa mga nagyayakag sa kaniya saka tatanggihan.

Role Play UniversityWhere stories live. Discover now