Keize's POV
INIS akong hinablot ang alarm clock ko at padarag na pinatay, wala sa sariling bumangon ako, na parang lantang gulay dahil ngayon ang araw ng pasok ko sa pesteng University na yon.
Pakiramdam ko hindi ako nakatulog kaiisip doon, hindi naman ako ganoon kasama kahit na ganitong takaw gulo ako may pakialam pa rin naman ako sa academic performance ko, but now I don't think so.
Kayo ang gumagawa ng dahilan para maging ganito ako.
Pumasok ako sa banyo at hindi ininda ang malamig na tubig na umaagos sa mukha pababa sa katawan ko. Hindi ko na alam kung ano pa ang mangyayari sa'min ni Bella sa University na yon at hindi ko maitatangging kinakabahan ako ng sobra!
Pabalang kong tinapon ang ginamit kong tuwalya sa sofa at wala sa sariling napatitig sa uniform na susuotin ko. Nakahanda na yon sa kama paglabas ko ng banyo. Hinanda ng isa sa mga maid.
Hindi ko akalain na may taste pa rin sila kahit uniform man lang.
Isang White blouse longsleeve, Gray coat, gray skirt, a tie and a pair of black socks it's three inches above the knee and black shoes na may four inch heels.
Pumunta ako sa closet at sinuot iyon, pagkatapos kong mag-ayos ng sarili ay bumuntong hininga muna ako bago tuluyang lumabas sa kwarto ko, pagdating sa baba ay nakita ko si kuya na mag isang nag be-breakfast nag-iwas ako ng tingin nang makita ko siyang lilingon sa akin.
"Oh? Baby sis breakfast ka na, maagang umalis sina mommy at daddy." Yeah right! Lagi namang ganoon, nothin's new. Pero hindi ko siya pinansin at basta ko na lang tinalikuran, narinig kong tinawag niya ako at nilampasan siya narinig ko pang tawagin niya ako.
"Ya!"
Tsk!
I have my own car but I was grounded for a month or so, because of the trouble I've done!
So I have no choice but to ride with Bella, pagkalabas nakita ko agad siya na malawak ang ngiti.
"Good morning royal!"
"Hmm, morning."
"Ay! badtrip ka? Wews! Bagay sayo ang uniform Keize HAHAHAHA!" Hindi ko siya pinansin kaya nag drive na siya papunta sa RPU, after an hour and 30 minutes, nakarating kami. May kalayuan pala, gulat pa akong nilingon siya nang hawakan niya ako sa braso nang akma akong baba ng sasakyan.
"What?!"
"H-Hindi ka ba kinakabahan?" Parang tangang tanong niya.
Taka siyang tiningnan ako nang ilabas ko ang Ipad ko at sinilip naman niya kung anong ginagawa ko.
"Ano yan?"
"Here's the information about sa University na 'yan, section natin at kung saang room." Nakatingin pa rin sa Ipad na sabi ko.
"Building 3, third floor, section 4-A." Dagdag ko pa. Nagkatinginan muna kami saka ulit tumingin sa monitor.
"Anong klaseng school ba yan? Section 4-A? Ang pangit huh!" Napailing na lang ako dahil maski ako walang ideya sa papasukan namin, ang alam ko lang mga patapong estudyante ang nag-aaral diyan.
At hindi ko maiwasang mainis sa isiping yon. Dahil isa na ako sa kanila ngayon.
Nauna na akong bumaba ng sasakyan dahil walang mangyayari kung tutunganga kami sa loob at maghihintay ng himala. Gusto kong magpapadyak dahil sa inis na hindi ko alam kung saan nanggagaling.