Chapter 26

5 0 0
                                    

Keize's POV

ALMOST Three hours akong inayusan. Dalawang grupo nang glam team ang pumunta dito, isa kay Bella and the other one is for me. Nasa kaniya-kaniya kaming kwarto kaya hindi pa namin nakikita ang hitsura nang isa't-isa, maski ako ay hindi ko pa nakikita ang sarili ko.

Nang matapos kong isuot ang gown ay, niretouch nila nang kaunti dahil sa nagulong pag-suot nito. Nang pinalapit ako sa whole body mirror ko ay namangha ako sa sarili kong hitsura.

Ako ba 'to?

Hindi ako makapaniwalang ang mukha ko ay kayang pagandahin nang ganito. Simple lang ang make up ko, hindi mabigat sa mukha kaya comfortable ako. At ang buhok ko, loss bun ang istilo, may mga buhok ako sa gilid nang mukha na bahagyang naka-curl. Ang Royal blue gown na bumagay sa kulay ko. Pinahaba ang leeg ko sa diamond necklace.

Halos sabay kaming lumabas ni Bella at namangha sa hitsura nang isa't-isa.

"You look so gorgeous sprite." Matamis ang ngiting sabi ko. Malinis na nakatali sa batok ang kaniyang buhok dinedepina ang kaniyang leeg, wala siyang kuwintas na gaya ko, dahil mas bumagay sa low neckline. May sleeve ang gown niya pero nasa magkabilang gilid ng balikat.

"You too, royal. I almost didn't recognize you." May dala kaming mga pouch, andon ang cellphone, wallet and ilang pang retouch daw.

Nang makababa kami sa lobby ay namataan namin ang dalawang gwapong lalaki. Na akala mo may-ari nang buong lobby. Zeke's wearing a dark-blue tuxedo, fine hair kitang-kita ang kakisigan sa lalaki.

Napatingin ako sa kaliwa. At natigilan nang makitang titig na titig ito sa'kin. Nakangiti akong lumapit sa kaniya. Agad niyang nilahad ang kamay, buong puso ko iyong tinanggap.

"Ang gwapo mo ah." Nakangising puri ko. He's wearing a black tuxedo. Malinis ang buhok at bumagay sa badboy look niya ang isang maliit na diamond earring.

"You look stunning in that dress." Pinasadahan niya ako ng tingin. Nakaramdam naman ako nang kaunting hiya.

May kaniya-kaniyang sasakyan ang dalawa, sa venue na lang magkikita. Hindi ko maiwasang humanga kay Xian. Nasanay akong naka uniform siya. Pero ngayon para akong nakakita nang prinsipe.

Humihiyaw sa karangyaan ang suot niya. At ang sarap sa ilong nang bango niya.

"Quit staring, will you?" Mahinang bulong niya. Napapahiya akong nag-iwas nang tingin. Tinuon ko na lang ang paningin sa labas ng bintana.

Actually we're kinda late. 6:00 ang opening nang ball, and it's already 7:00.

Masyado naman kami nitong pa-VIP.

Namangha na naman ako sa ganda nang lugar. Kumikinang na mga LED lights, at may red carpet pa! Rinig na rinig dito pa lang sa field ang malakas na sounds na nanggagaling sa stadium.

Naglalakad na kami sa red carpet at hindi ko maiwasang ma-flattered.

"Who's she? Dang! She's hot!"

"Ang ganda shet!"

"I'll ask her to dance with me later."

"Bongga ni ate girl."

Nang malapit na kami sa pinaka-entrance ay nakita ko na ang ibang member nang DSA. Masayang nagkukwentuhan, asaran, halos lahat nang member ay naandon na.

"Woah! Bal? Is that you?" Namamangha akong tinitigan ni Zi, siya ang unang nakapansin sa'kin. Sabay-sabay na naglingunan ang iba pa naming kasama. At kagaya ng iba ay namangha din sila sa hitsura ko.

Role Play UniversityWhere stories live. Discover now