Chapter 10

5 1 0
                                    

Keize's POV

KANINA pa ako paikot-ikot sa sala habang nag-hihintay kay kuya. At kanina ko pa minememorize kung paano ko sasabihin na magpapabili ako ng condo near RPU.

It's quarter to 11 when I heard his car. Inayos ko muna ang sarili ko bago naupo sa sofa and nagkunwaring busy sa phone.

"Oh? You're still awake?" As expected napansin niya agad ako.

"Yeah." Hindi ko siya tiningnan at nagkunwari pa ring busy.

"But it's late. Wala kang pasok tomorrow?"

"Mayroon. Kumain ka na?" Napataas ang kilay niya sa sinabi ko. Naninibago dahil these fast few days eh, halos hindi ko na siya kausapin. Then out of nowhere bumait ako.

"What? I'm asking kung kumain ka na?" Puna ko ng hindi pa rin siya sumagot. "Why are you staring?"

"Hmm.." Nilagay niya ang hintuturo sa baba at naniningkit akong tinitigan.

"Let me guess..." He paused. "May kailangan ka?" Natatawang sabi niya. Doon na ako hindi nakapagpigil.

"Fine!" Nakangusong sabi ko.

"Kuya..." Tumayo ako at kumapit sa braso niya. Nakanguso akong nakatitig sa kaniya.

"HAHAHA. What is it?" Natatawa niyang ginulo ang buhok ko.

Yes! My kuya knows me well.

"Kasi diba ang layo ng bagong school ko dito sa bahay?" Panimula ko. Hinila ko siya paupo sa sofa at nagpatianod naman siya.

"Yes, and then?" Singkit ang matang tanong niya.

"I want a condo near my school." Pahina ng pahinang sabi ko. Ngumiti ako ng malaki na halos makita ang gilagid ko para lang magpa-cute sa kaniya.

"HAHAHA. Ang cute talaga ng kapatid ko." Nagulat ako ng pisilin niya ang dalawang pisngi ko.

"Ahhh! Kuya!" Sabay alis ng kamay niya sa cheeks ko.

Ang sakit.

"But you're just 20 baby sis." Alam ko na nagwoworry lang siya sa'kin.

"But kuya, it's a hassle na ang layo ng school ko, imagine super late na akong nakakauwi dahil sa haba ng byahe." Pinakita ko na talagang nahihirapan ako. "It's delikado kaya, and aside from that grounded ako sa sarili kong car, lagi na lang akong nakikisabay kay Bella."

"How sure are you na kaya mo ng mag-isa? I think it's more dangerous to live alone. Wala ka ngang alam na gawaing bahay." Nagpapa-intinding sabi niya.

"Kasama ko naman si Bella eh. And I promise, I will update you from time to time. You can also have our address so you can check on us. And for the gawaing bahay, we can learn that." Patuloy ako sa pagpapaliwanag. "Please kuya." This time hinawakan ko na ang kamay niya.

He sighed. "Okay, fine."

"YE-"

"But you will have a bodyguards." Putol niya sa pagsasaya ko.

"What? But kuya..." Nakasimangot na angal ko.

"No, buts baby sis. It's for your own good." Inakbayan niya ko. "Tara sa kitchen nagutom ako." Pumunta kami sa kitchen ng naka-akbay pa rin siya sa'kin.

Role Play UniversityWhere stories live. Discover now