Chapter 31

2 0 0
                                    

Zeke's POV

"BAKIT nakasimangot ka?" Nasa coffee shop kami at nanonood ng movie. It's Saturday. Dapat sa mall kami. Pero ayaw daw niya ng crowded kaya dito lang kami at nanonood sa laptop. Comedy ang palabas pero nakasimangot siya.

"Ako ba ang mali?"

"Saan?" Hindi ko na nasundan ang palabas dahil sa kaniya na tutok ang atensiyon ko.

"Bago lang si Kes sa gang natin. Pero pakiramdam niya ayaw sa kaniya ng mga member natin. Naawa kasi ako sa kaniya." Humarap siya sa'kin at deretso akong tinitigan. Nag-iwas ako ng tingin ng hindi makayanan ang mga tingin niya. Lagi naman kaming magkasama pero hindi ako masanay kapag tinitingnan niya ako sa mata.

"Kagabi nagkasagutan kami ni Keize. Hindi ko alam kung sino ba ang mali sa'min."

"Hindi mo naman mapipilit ang ibang tao na gustuhin ang iba pa. Besides si Keize 'yon."

"Oo nga, pero bakit kailangan niyang sabihin sa ibang member na ayaw niya sa ugali ni Kes. Iyon ang hindi ko maintindihan." Bumuntong hininga siya.

"Si Keize? Sinabi sa iba na ayaw niya sa ugali ni Kes? Sino naman ang nagsabi niyan?" Nagtaka ako, dahil sa pagkakakilala ko kay Keize hindi niya ugali ang magsumbong or what. Oo, taklesa siya pero I think hindi niya sasabihin 'yon lalo na at walang issue ang iba sa taong 'yon.

"Si Kes mismo. Narinig daw niyang pinag-uusapan siya nang iba. Hindi na daw sana niya sasabihin sa'kin para wala ng gulo. Pero ako lang naman daw ang close niya sa DSA." Kung ako ang tatanungin. Kung ayaw talaga niya ng gulo, hindi na niya sasabihin sayo yon kahit pa ikaw lang ang close niya.

Hmm, what is she up to?

"Sabihin mo na lang sa kaniya. Kaunting pasensya pa, kasi hindi naman agad magiging close siya sa iba nang ganoon kadali."

"Iyon naman ang ginagawa niya eh. Kahit pa nasasaktan siya iniintindi niya." Hindi ko alam ang isasagot ko sa kaniya. Ang totoo even me, I don't like Kes.

Hindi na namin pinag-usapan ang mga ganoong bagay. We're here to enjoy not to stress ourselves. Masaya naming tinapos ang movie, kwentuhan dito. Desert doon. Nang hapon ay pumunta kami sa malapit na park at pinanood ang pagbaba ng araw. Simple pero masaya. Simple pero kuntento kami.

"Bakit nakasimangot ka na naman?" I chuckled. Nasa lobby kami ng condo nila.

"Hindi naman kasi ako kinakausap ni Keize eh." Nakangusong aniya, lalo naman akong natawa.

"Edi kausapin mo."

"Eh, baka daragin ako." Hinawakan ko ang kamay niya. Tiningnan niya 'yon saka inangat ang tingin sa'kin. "Bawal 'yan dito." Matunog akong napangiti sa sinabi niya.

"You're on the same roof. You just need to explain your point." Nagpapaintinding sabi ko. Nagtagal pa kami ng ilang minuto sa lobby bago siya umakyat sa unit nila.

Message Received.

From: Vaunt

Nasa Spencer kami, sunod ka after mong lumandi.

6:14PM

Gago talaga.

"Hi, Zeke."

"Zeke, shot tayo."

"Pre, Aubrey is here. Usap daw kayo."

"Table ka muna sa'min."

Madami ang tumawag at humarang sa'kin. Pero nginitian ko lang sila. At dumiretso kung nasaan sila Kairo. Halos kalahati ng DSA member ang nasa table at nagkukwentuhan.

Role Play UniversityWhere stories live. Discover now