Chapter 13

8 1 0
                                    

Keize's POV

"THIS is the day that we're waiting, next week lalabas ang mga gang na papasok sa Phase 10. And I believe that Revision Killer Warrior is one of them." Manghang sabi ni Thyzon the Commander of this gang.

Each gang has five officers that called Council. First, the Commander, the leader of the gang, ang pinaka may authority sa loob ng gang, commander ang nag a-approved ng mga kailangan or suggestions kung paano mapapanatiling maayos at malakas ang gang.

Secondly, the Deputy. Ang co-leader. Kanang kamay ng Commander. Thirdly, the Sergeant, taga-ayos ng gulo inside the gang and also the bystander. Fourthly, the Anchor. The IT, ang bahala sa lahat ng may kinalaman sa technology.

And last but not the least, the Militant. Ang warrior or trainer. Kailangan ang Militants lalo na sa mga tinatawag na newbies or should I say mga bago sa ganitong larangan. Sa RKW ngayon mayroong 36 na member hindi lahat active pero mas lamang ang active. Nang sumali kami ni Bella hindi namin expected na agad agad kaming tatanggapin matapos kaming ilaban sa isa sa mga active member.

Ang sabi sa announcement that time dalawa na lang ang kailangan para mabuo ang gang but, after naming matanggap nagrecruit pa sila ng nagrecruit. Hindi na namin iyon pinakialaman dahil sa loob ng isang linggo kinausap kami ni Thyzon na gagawing council.

Hindi na kami nagreklamo dahil nag-e-enjoy kami, though mayroong ilan sa mga member na hindi gusto ang pagiging council namin dahil mas matagal na daw silang member pero hindi ginawang council.

Ngayong sinabi ni Thyzon na sigurado siyang mapapasama ang RKW sa Phase 10. Matutupad ang gustong gusto niya na mapasama sa V10. Hindi ko alam sa loob ng dalawang linggo nalaman namin ang pasikot-sikot sa loob ng RP world.

"Inaasahan kong mas pagbubutihin nila Snoopy at Wolf sa loob ng battle field." Natinag ako sa pag-iisip ng banggitin ni Commander ang codename ko at ni Bella.

Codename ang ginagamit sa loob ng RP world lalo na sa battle field. Snoopy si Bella ako naman si Wolf. Tuwang-tuwa si Thyzon ng makita niya ang una naming laban ni Bella sa battle field, hindi daw niya inaasahan na talagang marunong kami. May mga member na natuwa, mayroon 'ding mga hindi.

Tapos na ang meeting at lahat kami hihintayin na lang ang results ng Phase 10 next week. Malapit na kami ni Bella sa gate ng may humarang sa'min.

"Hey? It's getting late hindi pa kayo uuwi?" Maayos na tanong ni Bella sa kanila.

"Don't act as if we're close Bella." Mataray na ani Kira, nasa akin ang tingin, tinaasan ko lang siya ng kilay.

I really don't like her guts.

"Ano bang pinakain mo kay Xavier at habol ng habol sayo?" I was shocked ng itulak niya ako gamit ang hintuturo. Kira is the one and only mighty best friend of Xavier, member din siya ng RKW isa sila sa sinasabi kong galit na galit sa'min. "Ano? Anong pinakain mo kay Xav?!" Kung kanina patulak-tulak lang siya ngayon mas malakas na dahil gamit na niya both of her hands.

"Hey? Enough!" Biglang harang ni Bella, pero marahan ko siyang tinulak sa tabi at hinarap si Kira.

"You know what? I don't know why you were doing this." Pinagpagan ko ang damit kung saan niya ko tinulak. "Hindi ko kasalanan kung nagkagusto sa'kin ang best friend mo." Natigilan siya sa sinabi ko at napatungo.

"Huwag ako ang pag-initan mo dahil wala akong ginagawa sayo." Nangunot ang noo ko sa panggigigil. Ayaw ko sa lahat ay ako ang pagbubuntungan ng galit nang wala naman akong ginagawang masama.

Role Play UniversityWhere stories live. Discover now