Chapter 35

1 0 0
                                    

Zeke's POV

NAGKEKWENTUHAN kami sa living room, si Bella na tawa ng tawa dahil sa mga sinasabi ni Vito. Nagulat kami ng tumakbo galing sa backyard si Kes na umiiyak.

"What happened?" Nag-aalalang tanong ni Bella na mabilis dumulog dito.

"Aeris, sinampal niya ako." Nangunot ang noo ko sa sinabi niya. Napatayo na din ang iba ng dumating si Aeris, na kay Kestrelle ang galit niyang mata. Tumayo si Aaron at pumunta kay Aeris pilit itong inaalo. Ramdam namin ang tensiyon sa loob.

"Bakit kasi hindi mo sabihin na narinig kitang may kausap tungkol sa mga Task? Bakit hindi mo sabihin na nileleak mo ang mga information ng mga Task? Bakit hindi mo masabi na ikaw ang mole?!" Lahat kami nagulat sa sinabi niya.

Hindi ko alam kung paanong sisingit. Pero nabaling ang mata ko sa kay Keize na dahan-dahan lumalapit sa side nila Kes at Bella.

"Pero Keize. Believe me. Rinig na ri--" Hindi na natapos ni Aeris ang sasabihin dahil sa ginawa ni Keize.

*PAK!*

*PAK!*

*PAK!*

"KEIZE!" Sigaw ni Bella sa kaibigan, pero hindi nagpatinag si Keize.

*PAK!*

Nagkagulatan kami ng kinalas ni Keize ang magkayakap na si Bella at Kes saka pwersahang hinarap si Kes, at sunod-sunod na pinagsasampal.

"Ano ba! Stop!" Inawat ni Xian si Keize. Humarang na din kami para tumigil na sila.

Tinakbo ni Bella ang nakatungong umiiyak na si Kes. Hindi ako makapaniwala sa nangyayari sa gang namin. I can't identify who's wrong. Who's fault.

"Keize! Bakit mo ginawa 'yon?" Sigaw ni Bella.

"Sinampal ko." Seryosong sagot nito. "Baka kailangan na niyang magising eh. Sobra na ang pangpepeste niya."

"What? Hindi mo dapat ginawa 'yon. Sinaktan mo yong tao!"

"And I don't care."

"Anong sinabi mo?!" Akmang susugod si Bella. "Mayabang ka masyado! Ang hirap sayo hindi ka marunong makinig! Ang gusto mo ikaw ang palaging nasusunod!"

"What?" Hindi makapaniwalang tanong nito.

"Enough!" Sobrang lakas na sigaw ni Xian.

Shit!

"To the conference now!" Padabog itong pumasok sa conference at binagsak ang pinto.

Lahat kami magkakaharap. Walang nagtangkang magsalita. Ang iyak lang ni Kes ang maririnig sa loob ng conference.

"Tell me what happened. From the beginning." Seryoso masyado si Xian. Napakalamig ng boses nito. That's him, kahit kami ni Kairo ayaw na nagagalit siya ng todo.

"I was practicing alone, nang may marinig akong may kausap. Com, narinig ko na detalyado niyang sinasabi sa kausap niya sa kabilang linya ang mga information ng Task. Nang makita niya ako wala pa akong sinasabi pero todo paliwanag siya. How defensive." Tiningnan niya si Kes na kaharap lang. Tumingin din ako pero ang atensiyon ko na kay Bella.

Bakit parang hindi ka apektado na traydor 'yan?

"Nang sinabi ko na kailangan malaman ng Commander ang narinig ko, I admit na sinampal ko siya. Pero siya ang naunang manampal. Then after that nakita ko na lang siyang nagpapa-awa kay Bella." Kumuyom ang kamay nito.

Role Play UniversityWhere stories live. Discover now