Chapter 25

2 0 0
                                    

Kairo's POV

KANINA ko pa pinagmamasdan ang dalawang 'to. We're currently in the main. At ang dalawa nanonood pero ang mga mukha ang aliwalas at parang mga tangang nakangisi. Actually, horror ang movie pero kung makangiti sila akala mong comedy.

"Hoy!" Sabay na bumaling sa'kin ang dalawa at sabay 'ding ngumiti.

"Mga bading!" Inakbayan ko silang dalawa. "Bakit blooming kayo ah?" Nakangising tanong ko.

Sabay na nagsalubong ang kilay nila at binatukan ako! "Araaay ko ah! Inaano ko ba kayo!" Naiinis na sabi ko. "Pinagtutulungan niyo ko! Pakyu kayo!"

Badtrip 'tong mga 'to!

Nasa ganoon kaming sitwasyon nang pumasok si Czarina. Nakataas ang kilay na pinagmasdan niya kami.

"Anong ginagawa niyo?" Nakangiwing tanong nito.

"Ano bang pakialam mo?" Nakangiwi ding tanong ko.

"Arg! Kairo hindi ikaw ang kinakausap ko so, shut up!" Tumayo ako at lumapit sa kaniya, hindi naman siya natinag.

"Wala akong pake." Nakangising sabi ko. Umirap siya at binangga ang balikat ko saka dumeretso sa kwarto.

"Wala ka pala eh." Nang-aasar na ani Zeke.

"Tapang-tapang wala namang magawa." At ginatungan pa ni Xian.

"Ulol!" Naiinis akong umupo sa single sofa.

"Una na ko, sige ituloy niyo na ginagawa niyo." Sarkastikong sabi niya.

"Czarina!" Napatingin ako kay Zeke nang tinawag niya ito.

"Yes?"

Taray! Hindi naman bagay!

"May partner ka na?"

Anong trip nito eh, may partner naman na siya.

"Wala pa, bakit bibigyan mo ko?" Natatawang anito.

"Pangit ka daw kasi kaya walang nag-aaya sayo." Pang-aasar ko.

"Spell ASA Kairo."

"Kayo na lang daw ni Kairo ang partner." Natigilan kaming pareho.

"Yuck!" Sabay na sabi namin ni Czarina.

"Tigilan mo ko Zeke ah." Natawa lang siya.

"I'd rather attend the party without a partner, kaysa maging partner yan." Inirapan niya ako at tuluyan nang umalis.

What the hell?

"Hoy Zeke! Huwag mo nga akong inaasar 'don!" Inis na sabi ko.

"Bakit ha?" Xian asked.

"Dahil kinikilabutan ako!" Sigaw ko sa mga pagmumukha nila.

"HAHAHAHAHA!"

"Alam kong nagpapasalamat kayo sa'king dalawa but no need, I am happy to help you with all my heart, brain, hypothalamus, kidney, biceps, abs----"

"Gago." Hindi ko na natapos ang mga sasabihin ko ng bigla akong binato ni Xian ng unan at tumama 'yon sa mukha ko.

"Wow! Hah! You're welcome!!" Makabagbag damdaming sabi ko, nakahawak pa sa dibdib.

"So, Deal? Ganoon na lang dre?" Tanong ni Zeke sa kaniya tinutukoy ang nangyari kanina na pumayag siyang mag-partner sila ni Keize.

Gusto kong matawa sa mga taong 'to mga torpe! Kung hindi pa talaga ako kikilos, maagawan 'to sila eh.

Role Play UniversityWhere stories live. Discover now