Xian's POV
NAKATUNGONG Haniah ang naabutan namin sa room. Masyado pang maaga kaya nagtaka ako dahil andito na siya. May ginawa kami sa main kaya maaga din kami.
"Bakit ang aga naman niyan?" Si Kairo na naunang lumapit kay Haniah.
"Bakit andito ka na?" Tanong ko. Inangat niya ang ulo at tumingin sa'min.
"Anong ako? Baka kayo."
"Ano daw?" Si Kairo na hindi rin maintindihan ang sinasabi niya.
"First time na maaga kayo pumasok ah. May himala ba?" Ngumiwi ako sa kakornihan niya.
"Ang korni mo."
"Samahan mo ko Xian." Nagulat ako ng tawagin niya ako sa first name ko. Bihira niyang gawin yon.
"Saan?" Si Kairo ang sumagot.
"Xian ka ba?" Mataray na anito.
Tumayo na ako at naunang lumabas. "Tara." Kahit hindi ko alam kung saan siya nagpapasama.
"Sama din ako."
"Ikaw Zeke?"
"Dito na lang ako."
Nauunang maglakad si Haniah. Nakasunod lang kami sa kaniya.
"Saan ba kasi tayo pupunta?" Reklamo ni Kairo.
"Dapat hindi ka na lang sumama kung magrereklamo ka." Siniringan lang ako ni gago.
Nakarating kami ng cafeteria ng nagtatalo. Sa counter dumeretso si Haniah.
Gutom?
Nagulat ako ng madami siyang inorder.
"Gutom na gutom?"
"Wala kang pakielam Kairo." Hindi ko na sila pinansin at umorder ng sa'kin. Coffee and sandwich.
"Hindi mo ako inorder?" Nakangusong ani Kairo.
"Ano ka chicks?"
"Tandaan mo ang araw na 'to."
"Tsh." Baliw talaga eh.
"Anong trip mo?" Napansin ko kasi na sinasawsaw niya ang sandwich sa ice cream.
Ano kayang lasa 'non?
Bago pa dumating si Kairo ay dumaing si Haniah. "Anong nangyayari sayo?" Nag-alala ako ng humawak siya sa bandang tiyan. "Hey?" Nilapitan ko na siya ng mamutla. Bigla akong kinabahan.
"A-Ang sakit ng p-puson ko." Hindi ko alam ang gagawin ko. "M-Mayroon na yata ako." Mas lalo akong nataranta ng mamilipit siya sa sakit. Hindi na ako nakapag-isip at dinala siya sa clinic.
"Hoy! Gago anong nangyari?" Hindi ko na pinansin si Kairo na nakasunod sa'min.
"Anong nangyari sa kaniya?" Tanong ng nurse.
"I don't know. Mayroon daw siya." Nag-aalala na talaga ako.
Pinahiga siya sa bed at may nilagay sa may bandang tiyan.
"Hot compress will help to lessen the pain." Sabi ng nurse. Nakapikit lang si Haniah at nakahawak pa din sa tiyan.
Pinauna ko na si Kairo sa room. Bawal daw ang marami dito sa clinic. Ako naman hindi alam ang gagawin. Nakatulog na siya sa sobrang sakit. May buwanang dalaw daw siya ngayon sabi ng nurse.