Chapter 33

1 0 0
                                    

Thyzon's POV

WE'RE waiting na matapos ang first division.

DSA gang.

Ngayon ko lang sila nakitang lumaban. Naging abala ako sa kaka-recruit ng matitinong myembro. Habang tinitingnan ko silang lumaban ay hindi ko maiwasang manggigil. Magaling pa rin talaga kung lumaban. At mas gumagaling pa. Tiningnan ko ang area kung nasaan ang ibang member ng DSA.

Isabella. Keize.

Sa dami nang gang na puwedeng salihan. Bakit sa gang niya pa. Nagtagis ang bagang ko habang matalim na nakatingin sa gitna.

"Anong balita sa pagsali mo sa DSA? May nalaman ka ba?" Seryosong tanong ko kay Kestrelle. Tumawag siya para makipagkita. Mayroon na daw siyang information tungkol sa gang na iyon.

"Si Alchemeia at Achelous ay sina Bella at Keize." Nangunot ang noo ko sa balita niya.

"Kailan pa sila doon?"

"Ilang araw lang mula ng umalis sila sa RKW. Ang Commander mismo ng gang ang lumapit sa kanila para i-recruit." Nakatungong aniya.

"At sino ang Commander ng gang na iyon?"

"Xian Ferd Zapanta."

Xian Ferd Zapanta...

Xian Ferd Zapanta...

Xian Ferd Zapanta...

Padarag akong tumayo at hinampas ang table. Hinding-hindi ko makalilimutan kung paano akong minaliit at pinagmukhang tanga nang taong 'yon. At hindi ko malilimutan kung paano niyang sinabi sa mismong mukha ko na hindi siya gagawa ng gang.

And then now?

"Ituloy mo ang ginagawa mo. Kailangang masira ang gang na 'yan."

Sinabi din ni Kes kanina na sila ang lalaban sa first division. Kaya hindi na ako nagulat ng makita silang nasa battle field.

As expected DSA ang nanalo sa laban.

"DSA! This gang maintained the title of Phase 1!" Malakas na sigaw ng announcer.

"DSA! DSA! DSA! DSA! DSA!" Narindi ako sa sigawan ng tao.

"And now, let's welcome back the Revision Killer Warrior!" Lumabas kami ng mga member ko sa isang pinto. Nilibot ko ang tingin ko kaya napansin kong nakatingin sa'min si Bella at Keize. Pero ang atensiyon ko ay na kay Xian na titig na titig sa'kin.

Nginisian ko siya saka bahagyang binangga ang balikat. Kumunot ang noo niya, lalapitan niya dapat ako nang awatin siya ng kasama niya.

DSA? Andreus?

Natapos ang laban nang kami ang panalo. Gusto kong basagin ang mukha ng lalaking nakalaban ko, nasa isip ang mukha ni Xian. Hindi humupa ang galit sa dibdib ko kahit pa nakabalik na kami sa main.

"Assemble." Seryosong sabi ko. Nagtayuan sila. Kahit mga pagod pa ay nagsitayo sila at humarap sa'kin. "Simula ngayon. Target natin ang DSA. Kailangang bumagsak ang gang na 'yon nang tayo ang nakakagawa."
Natigilan sila sa sinabi ko pero walang tumutol maski na isa.

"Ako na ang bahala kay Keize." Singhal ni Kira. Nginisian ko siya.

"Kaya mo ba?" Natigilan siya sa tanong ko.

"Kaya ko Com."

Simula nang araw na 'yon naging pursigido ang bawat isa na mag-training. Lalo na at sinabi ni Kes na hindi din humihinto sa pag-eensayo ang DSA.

Role Play UniversityWhere stories live. Discover now