Chapter 20

1 0 0
                                    

Xian's POV

"SILIPIN KO LANG." Busy sila sa pagkain nang tumayo ako. Marahan kong binuksan ang pinto. Nakita ko nga si Haniah mahimbing na naman ang tulog.

Napangiti ako nang makitang damit ko ang suot niya. Napangiti pa ko sa text niya kanina.

From: Achelous

Commander! Pahiram ako nang damit mo ah! Damit mo lang kasi ang nakita ko dito. Gusto ko nang maligo! Bilihan mo ko nang gummies! Thank you agad!

2:47 PM

Napakakulit talaga.

Hinayaan ko na siyang matulog at nakihalo sa iba pa. Bago pa mag alasais lumabas nang kwarto si Haniah na pupungas pungas. Lihim akong napangiti dahil ang ganda pa rin niya kahit bagong gising. Walang kahit ano sa mukha. Mas napangiti ako dahil malaki ang damit ko tapos maliit siya.

"Hinay-hinay pre." Bulong ni Zeke pero siniko ko lang siya.

"Kumain ka na, may meeting tayo after mo kumain." Pilit kong nilabanan ang mga tingin niya, nang hindi kinaya mabilis akong nag-iwas nang tingin at kunwaring abala sa cellphone.

"Guys, at 7:00 PM sabay sabay tayong pupunta sa battle field. Usually sa mga Début match, sabay-sabay kung ilaban ang mga member. The Shaitans ay rank 17 sa MGT at mayroong 33 na gang ang under nang MGT." Seryosong sabi ko.

"It means, hindi madali ang magiging war mamaya. Hindi natin masasabi ang kalalabasan nang laban mamaya. Okay lang na may matalo the important thing is makalamang tayo. In that case we will register as official gang under the MGT." Seryoso din si Zeke. Nakita na namin lumaban ang bawat isa sa kanila. Pero ensayo lang 'yon hindi namin alam kung anong kayang gawin nang kalaban. At ang naisip pa namin. Hindi kami ilalaban nang MGT dahil alam nila kung paano kami lumaban.

Pero kahit ano pa 'man may tiwala ako sa mga miyembro ko.

"Woah! Ang daming tao!" Si Claud na inikot nang tingin ang buong arena.

"Nakakalula." Naningkit ang mata ni Lenox nang sipatin ang itaas nang mga upuan.

Ang battle field ay sobrang lawak. Ang mga upuan ay pataas. At hindi biro ang dami nang tao ngayon. Sa mismong battle field nakapwesto ang mga gang na lalaban, kesyo lalaban ka o bangko.

"Tingnan niyo, may mga tao pa sa labas nang gate!" Manghang saad ni Zach. Tiningnan ko 'yon at marami pa nga. Hindi na talaga sila papapasukin dahil punong-puno na ang tao sa baba.

"Tara na." Nagpatiuna ako at pumasok ako sa isang pinto kung saan napasok ang mga gang na lalaban. I swiped my access card for us to enter. May sariling access card ang battlefield at mga Commander at Deputy lang ang mayroon 'non.

"Andito na pala sila." Nakangising ani Felix. Tahimik lang siya pero magaling lumaban.

"Tingnan niyo ang Shaitans mga nakangisi sa'tin." Naiinis na wika ni Cambree.

"Lahat tayo codename lang ang gagamitin. Nasa rules na bawal gumamit nang ibang pangalan bukod sa codename. Deduction ang kapalit." Paliwanag ni Zeke. Pareho silang seryoso ni Kairo.

Tumunog ang gong hudyat nang paglabas nang announcers.

"Ngayong gabi matutunghayan ang laban nang mga gangs!" Malakas na sigaw nito.

"First Division, Ferocious Deadly Life and Fraise Ominix!" Pumunta sa gitna ang dalawang gang at nagbigay galang sa isa't isa.

"Wow, para saan ang pagbibigay galang kung maglalaban din naman." Asik ni Haniah.

Role Play UniversityWhere stories live. Discover now