Chapter 4 : Information

15 2 0
                                    

Keize's POV

NAGLALAKAD pa rin kami habang nag kukwento si Czarina about this school.

"Bakit? Ano bang mayroon sa school na 'to?" Tanong ko sa kaniya. Hindi siya tumingin sa'kin pero nagpatuloy siya sa pagkukwento.

"HAHAHAHAHA." Nagtaka ako ng bigla siyang tumawa.

"Eh?!" Nagkatinginan kami ni
Bella!

Anyare sa kaniya?

"Halata sa mukha niyo na kinakabahan kayo, don't worry school pa rin 'to pero may mga patakaran at sinusunod lang dito na wala sa ibang schools." Nakangiting sabi niya.

"G-Gaya ng?" Si Bella.

"Arena and gangs."

"Arena and gangs?" Sabay naming tanong ni Bella, dahil we don't have any idea sa sinabi niyang arena pero sa gangs hindi na bago 'yon, uso na iyon kahit pa sa mga napasukan naming University. "What do you mean by arena?" Tanong ko.

Napatalon ako dahil sa gulat ng biglang mag-ring ulit ang bell. Nang huminto kami nasa tapat na kami ng isang building na may apat na palapag. Ilang beses ba silang nag be-bell.

"Paano ba yan kailangan na nating pumasok I guess, mamaya ko na kayo kekwentuhan." Sinabi niya 'yon na ulo lang ang nakaharap.

"Ahh." Wala akong ibang masabi masyadong preoccupied ang isip ko.

"Diyan ang room niyo section 4-A, katabi niyo lang ang room namin Section 4-D."

4-D?

Tinalikuran na niya kami at pumasok sa room na sinabi niya. Tiningala ko naman ang room sa harapan namin at nabasa ang 4-A.

"Bakit ang we-weird ng mga section dito? 4-A? 4-D? Ano daw?" Naguguluhang tanong ni Bella hindi ko na siya sinagot, pumasok na ako at sumunod naman siya. May ilang vandal sa gilid nang room. Napailing na lang ako doon.

Pinag-titinginan kami ng ibang estudyante dahil siguro bagong mukha kami at ang mga lalaki na ngingisi-ngisi habang hinahagod kami ng tingin mula ulo hanggang paa, gusto kong lapitan at sapakin ang iba dahil sa nakakadiring paraan ng pagtingin, pero naisip ko na dehado kami kaya nanahimik na lang ako.

At ang ibang babae na akala mo isa kaming kontrabida na papasok sa University at may mga nakita pa ako na inirapan kami na akala mo naman pagkaganda-ganda!

Inaano namin sila?

I sat on the second to the last row, nasa hilera namin ang aircon at talagang kataka-taka na sa hilera lang 'non ang walang nakaupo maski isa, dahil kung titingnan may mga student naman na nakaupo sa dulong row pero sa line na 'to wala, ang weird lang ng dating. Five row and two columns ang style ng mga upuan. At sa pang fourth row kami naupo. Walang nakauo dito maski isa pero may mga nakaupo sa fifth row.

Baka late? Or absent. Pero first day eh? Dedma na nga lang.

Nagulat ako ng mapatingin sa'min ang iba at nagbulungan nang maupo kami sa dulong upuan sa fourth row sa mismong tapat ng aircon. Para bang kasalanan na umupo kami doon.

"Ngayon lang ba sila nakakita ng tao?" Pabulong na tanong ni Bella tumingin muna ako sa paligid bago bumaling sa kaniya.

Role Play UniversityWhere stories live. Discover now