Isabella's POV
ILANG oras na akong nag-hihintay na dumating si Keize. Mag-aalas nuebe na pero wala pa din siya. Hindi ko na mabilang ang tasa ng kape na ininom ko.
Saan kaya nagpunta yon? Nasa parking lot naman ang sasakyan niya.
Until now, iniisip ko pa din ang mga nangyari kanina. Alam ko na sinasabi ni Kes sa kaibigan niya ang mga task namin. Ang sabi ko ayos lang kasi sabi niya hindi naman kasali sa kahit anong gang iyong kaibigan niya.
Even me, nagulat ako sa mga nangyari kanina. Masyadong mabilis ang nangyari. Aaminin ko na nabigla din ako sa mga ginawa at sinabi ko kanina.
Napahilamos ako sa mukha ko ng maalala ang sinabi ko kay Keize. Kilala ko siya, alam kong nagtampo siya sa'kin at naiinis ako sa sarili ko dahil alam kong nasaktan siya.
Hindi niya ugali ang ipakita ang kung ano talaga ang nararamdaman niya. Malalaman mo lang na puno na ang dinadala niya kapag umiyak siya kahit hindi ka nagtatanong.
Mababaw ang luha niya sa maraming bagay. Napabalikwas ako ng tayo ng marinig kong may nagbubukas ng pinto.
Kahit kinakabahan. "Where have you been?" Mahinahong tanong ko. Pero napayuko ako ng lampasan niya ako.
"Bitawan mo ko." Malamig na anito ng pigilan ko siya sa braso.
"I'm sorry." Mahinang ani ko. "I'm sorry royal." Naiinis ako kasi ang hina ko. Naiinis ako kasi hindi ko kasi hindi ko alam ang gagawin ko.
"Ha!" Napailag ako ng bigla niyang sipain ang trash bin. "Diyan ka naman magaling eh. Ang mag-sorry." Marahan kong binitawan ang braso niya.
Iyon lang kasi ang alam ko eh.
"May pagkain diyan, nagluto ako. Kumain ka na lang kapag nagutom ka." I said. Nauna na akong tumalikod pero napatigil ng magsalita siya.
"Bakit pakiramdam ko, ako pa ang may kasalanan?" Sarkastikong sabi niya.
"That's not what I mean." Nagpapaintinding sabi ko.
"But that's what you want me to feel."
"Keize..." Hindi ko alam ang sasabihin ko.
"Bakit pagdating sa Kes na yon kayang kaya mo ang sarili mo kasi ready kang ipagtanggol siya?" Tunog nagtatampo ang boses niya. "Bakit kapag ako na sinasabi mong kaya ko ang sarili ko?" Itinikom niya ang labi niya. Nangilid ang luha. "Kung sabagay kaibigan mo nga pala siya. Sige na matutulog na ako. Hindi ako gutom."
Naiwan akong tulala. Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko. Naaawa ako kay Kes pero hindi ko maiwasang makonsenya dahil sa mga sinabi ni Keize.
Hindi ko alam kung sinong uunahin ko.
Mali na ba ako?
Magdamag akong nag-isip. Hindi ko alam kung anong oras akong nakatulog o kung natulog ba ako. Nagising na lang ako ng marinig na may lumabas ng condo. Maaga pa pero umalis na siya. Mapait akong napangiti. Nauna na naman siya.
Nakakainis, kaka-ayos lang namin tapos nag-away na naman. Bihira kami kung magtalo ni Keize. Pero ngayon napapadalas na. Hindi ko maiwasang isipin na kasalanan ni Kes.
Pinilig ko ang ulo. Wala siyang kasalanan. Gusto niya lang makipag-kaibigan.
Pumasok ako na dala ang kotse ko. Nang makapasok ay hindi ko maiwasang mahiya. Si Zeke lang ang nadatnan ko sa row namin.
Nasaan ang iba?
Wala sa sariling umupo ako. "Hi." Nagulat ako ng makita si Zeke na nakangiti sa'kin.
"Sabi ko hi." Ulit niya ng hindi ako sumagot."Hindi ka galit?" Nagtaka siya sa tanong ko.
"Bakit naman ako magagalit?"
"Dahil sa nangyari kahapon." Nakatungong sabi ko.
"Bakit ako magagalit? Eh, suspended ka naman." Natatawang aniya.
"Baliw ka!" Nakangusong sabi ko.
"Nasaan pala ang iba?" Maaga pa kaya naman iilan pa lang ang nasa room.
"Si Keize nagugutom sinamahan ni Xian."
"Eh, si Kairo?" Nawala ang ngiti niya sa tanong ko. Nagtaka naman ako. "Bakit?"
"Bakit mo hinahanap?" Seryosong tanong niya, natawa naman ako.
"Malamang wala siya eh."
"Sumama sa kanila Keize." Nakasiring na aniya. Nasa ganoon kaming sitwasyon ng pumasok si Aeris kasama ang dalawa niyang friends.
Plano ko talaga ang mag-sorry sa kaniya. Dahil alam kong may kasalanan ako.
Magkatabi lang kami kaya walang problema. Siguro makakapag-usap naman kami ng maayos. "Aeris." Mahinang tawag ko. Kahit buo na ang loob kong mag-sorry nahihiya pa din ako. Naalala ko ang sinabi ni Keize.
"Diyan ka naman magaling eh, ang mag-sorry."
"Bakit?" Lalo akong kinabahan dahil sa malamig nitong boses.
"About yesterday. I'm sorry." Nakatungong paumanhin ko.
"Hindi ko matanggap na kinampihan mo yon instead of me." Napaangat ang tingin ko sa kaniya. "Okay lang sana kung wala kang kinampihan eh, kung sana pumagitna ka. Pero hindi eh, you directly come to her." Bigla akong nakonsenya talaga.
"I'm sorry." Nangilid ang luha sa mata ko.
"Okay lang, pare-pareho naman tayong suspended eh." Seryosong aniya. "Pero huwag mo ng uulitin yon. Kapag inulit mo hindi na talaga tayo bati." Nakangusong aniya. Sinugod ko siya ng yakap.
"Oo, promise!"
"Bakit feeling ko parang nagseselos ako?" Narinig kong sabi ni Alyk.
"Bakit parang ako din?" Si Kim.
"Mga baliw." Sabay naming sabi ni Aries. Nagkatinginan kami at sabay na natawa.
I'm still thankful.
"Anong drama yan?" Napatingin ako kay Kairo na kararating lang.
"Where's Keize?" Nilingon ko pa ang likod niya dahil mag-isa lang siyang pumasok. "Sabi ni Zeke magkakasama daw kayo?" Nilingon ko ang pinto, baka kasi nagtatago.
"Nasa clinic." Napatayo ako sa sinabi niya.
"What? Anong nangyari?" Kunot noong tanong ko.
"Kalma, kasama naman niya si Xian." Sabi nito at umupo. Lahat kami nakatingin sa kaniya.
"Bakit nga? Anong nangyari?" Naiinis na sabi ko.
"Mayroon daw siya, hindi ko nga alam kung anong mayroon eh." Nakangusong anito. Nasapo ko ang noo sa katangahan niya.
"Bakit hindi na lang uminom ng pain killer?" Suhestiyon ni Aeris.
"Hindi nawawala ang Dysmenorrhea ni Keize sa pain killer lang. Ang hirap pa naman kapag nagkakaroon ang babaeng yon."
"Ano ba kasing mayroon yan?" Kunot noong tanong ulit ni Kairo.
"Pangbabae lang yon!" Magkakasabay na sigaw namin.
"Teka pupuntahan ko."
"Huwag na andoon naman si Xian."
"Ano namang alam 'non?"
"May nurse naman." Lalabas na sana ako ng pumasok ang lecturer.
"Mamaya na samahan kita." Bulong ni Aeris.