❝ Paulit-ulit ko noong sinasabi na hindi kita gusto
Dahil ayaw ko sa labi na lasang sigarilyo.
Pero matapos kong marinig ang sinabi mo
Noong araw na pinag-trip-an tayo
Nahirapan akong pigilan ang puso ko
Sa pagdagundong nito sa tuwa sa 'yo. ❞
Kinabukasan, akala ko, makakasabay na ako mag-lunch kina Eureka at Gilbert. Ihahanda ko na sana ang sarili ko sa mga tanong nila dahil nakita nila kami ni Klein na nagpapayungan kahapon kaso lumapit naman sa akin 'tong Klein na 'to habang nagliligpit ako ng mga gamit!
"Tara na, baka maubusan ulit tayo ng vacant table."
Napaangat ako ng tingin sa kan'ya habang bahagyang nakaawang ang bibig.
"H-Huh?"
Tinapik ng dalawang daliri niya ang suot niyang relo. "Lunch."
Matapos niyang sabihin 'yon, nagsimula na siyang maglakad palabas ng classroom. Napalingon ako kay Eureka na nakahawak sa baba habang nakatingin sa akin nang may paghihinala.
"W-Wala 'yon!"
Humalukipkip siya. "Ikaw, ha."
Nag-iwas ako ng tingin bago nagmadaling tinapos ang pagligpit ng mga gamit. "Ano?"
"May naaamoy ako."
Nagbuntonghininga ako bago tumingin sa kan'ya. "Kung ano man ang naaamoy mo, hindi ako 'yon, okay? Sige na, una na ako. Kita tayo later!"
Pagkatapos kong sabihin 'yon, nagmadali akong lumabas ng classroom habang isinusukbit ang bag. Narinig ko pang tinawag niya ako pero hindi ko na pinansin pa. Tinakbo ko na lang ang hagdanan at mabilis na napahinto nang makita ro'n si Klein, mukhang naghihintay sa akin.
"You're in a rush again."
Inayos ko ang salamin kong medyo nagalaw sa pagmamadali ko. Pagkatapos, tumikhim ako kasabay ng pagtago ng kamay sa likuran ko.
"B-Baka kasi--"
Ngumiti siya. "Hindi naman kita iiwan." Bahagya siyang tumawa habang ako naman ay parang gusto nang sumabog aa sinabi niya. "Tara na."
Tumango ako saka kami sabay na naglakad pababa kasama ng ibang estudyante. Malalaki ang mga hakbang niya kaya naman binilisan ko na lang ang paglakad. Halos tumatakbo na nga ako, eh!
Ako ba talaga ang nagmamadali sa amin???
Nang makarating kami sa cafeteria, nakita namin na maraming estudyante na ang nandoon. Napasimangot ako habang iniikot ang paningin dahil ang dami talagang tao! Ganito talaga sa cafeteria kapag first month pa lang ng pasukan, eh!
BINABASA MO ANG
A Kiss To Reminisce
Teen Fiction|| second installment of "habit series" || Solari Dominguez has a habit of biting her fingernails, especially at the times that she's nervous or guilty. It was a normal mannerism for everyone, not until Justine Klein Olivarez kissed her one day when...