Chapter 40

123 6 0
                                    

  

   Mabilis akong yumakap sa kan’ya mula sa likuran habang nasa gitna kami ng kalsada

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

  
Mabilis akong yumakap sa kan’ya mula sa likuran habang nasa gitna kami ng kalsada. Napatigil na rin siya sa paglalakad.

Para kaming tanga na nasa gitna ng kalsada ngayon.

“Solari?”

Tumalikod siya para makita ako. Hinawakan niya ang mukha kong basang-basa ng luha at walang tigil sa paghikbi, habang ang mga driver naman na nagdaraan ay galit na galit at panay ang pagpapatunog ng sasakyan sa inis nila.

Hinawakan niya ang magkabilang kamay kong nanginginig bago kami tuluyang tumawid. Nang nasa sidewalk na, tumigil na kami sa paglalakad.

Muli siyang humarap sa akin. Hinawakan niya ang mukha kong basang-basa pa rin ng luha dahil sa walang tigil na pag-agos nito, kasabay ng mga hikbi na sunod-sunod kumakawala sa bibig ko.

“Bakit nandito ka? Anong nangyari?” he asked.

I sobbed continuously. “I-I was so . . . s-scared.” I cried. “B-Bakit ka tatawid n-nang gano’ng karami ang s-sasakyan na dumadaan?”

Gusto ko nang pakalmahin ang sarili ko. Hindi ako makapagsalita nang dahil sa mga hikbi na paulit-ulit lumalabas sa bibig ko. My body’s still trembling, so do my cold hands too.

“Tatawid lang ako.” He gulped. “Sasakay ako ng tricycle para makapunta sa ’yo.”

Napaangat ang tingin ko, kasabay ng pag-awang ng bibig ko, nang dahil sa sinabi niya. Hindi ko na nagawang magsalita pa. Pinunasan niya ang pisngi kong nabasa ng luha pero wala din nagawa ’yon dahil hindi pa rin ako tumitigil sa pag-iyak.

“Why are you here? Alam ba ng mama mo na nandito ka?” he asked. “And why are you trembling? What are you scared about?”

My eyes heated once again. “I’m so w-worried. Akala ko . . . m-magpapasagasa ka na.”

Umawang ang bibig niya. Ilang sandali pa, bahagya siyang tumawa bago ako hinila at niyakap. “I’m sorry that I made you feel worried. Papunta na ako sa ’yo pero heto ka . . . pinuntahan pa ako. I’m so sorry, love.”

For a moment, I felt ashamed of myself. I felt betrayed because he sounded so fine but look at me now . . . a fucking mess because of too much anxiousness I’ve felt.

Maybe it's my anxiety that made me do this . . . to run to him . . . to think that he might do the same thing that Kuya Lirio told me about before.

Sobrang natakot ako. Pakiramdam ko, walla nang puwang sa puso ko ang ibang emosyon dahil sa takot na naramdaman ko. Ni hindi ko na magawang sumagot pa sa kan’ya dahil ang tanging nagagawa ko lang ay umiyak nang tahimik.

Para akong pagod na pagod nang isinakay niya ulit ako sa tricycle. Sumama siya sa paghatid sa akin pauwi at uuwi rin daw kapag nakita niyang nakatulog na ako sa kama ko.

A Kiss To ReminisceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon