By 3:00 p.m. that same day, I went out. Hindi ko matiis na nasa loob ako ng bahay kasama si Mama dahil sa sobra-sobrang guilt na nararamdaman ko sa nangyari kahapon. Hindi ko alam paano haharap sa kan'ya nang confident gayong alam kong may itinatago ako.
"What did he even say?" Eureka asked while eating her mangoes dipped in bagoong.
I shrugged, both hands are inside the pocket of my hoodie. Isinandal ko ang likod at ipinatong ang ulo sa sandalan ng couch. "Wala."
"Anong wala?!" I shrugged once again. "Hindi n'yo man lang pinag-usapan yung tungkol sa inyong dalawa?!"
Umiling ako bago nagbuntonghininga. "Wala nga. Wala kaming pinag-usapan. Nag-sorry lang siya."
As soon as I told her that, naramdaman ko ang bahagyang pag-init ng sulok ng mga mata ko pero hindi ko na pinagtuunan pa ng pansin masyado.
She sighed. "Grabe, mukhang mali pa rin ako ng akala, ah?" She scoffed. "Noong nalaman ko katotohanan tungkol sa kung bakit gano'n siya noong kayo pa, akala ko talaga gagawin na niya lahat para magkabalikan kayong dalawa. Lalo na nitong bago ko malaman na buntis ako, nakita ko namang determinado siyang makuha ka ulit kasi mahal na mahal ka pa rin n'on hanggang ngayon. Ano na naman kayang problema?"
Napanguso ako't hindi na nakapagsalita pa. Sa ngayon, ayaw ko na munang maniwala sa mga sinasabi niyang mahal pa rin ako ni Klein kasi, sa totoo lang, nakita kong hindi naman na. Tama na siguro itong pag-iisip na baka p'wede pa kami kasi hindi na talaga, eh.
"Hindi ba siya . . . nakikipagbalikan sa 'yo?" Eureka asked as she started eating her mangoes once again.
I smiled a little, shaking my head. "Hindi."
She scoffed once again. "So, bakit ka niya ise-sex kung ayaw niya naman pala na magkabalikan kayo? Kasi kung gusto niya talagang balikan ka, mag-uusap kayo after fucking each other, Solari. Kaso, hindi! Hindi ka pa rin ba kino-contact ngayon?"
I shook my head, which made her look more frustrated.
"Gago ba 'yon?! Ano ka, parausan?! Makakatikim talaga ng mga salita ko 'yang Olivarez na 'yan oras na magkita kami!"
Hindi ko na pinansin pa ang mga sumunod na sinabi niya dahil puro mura lang naman 'yon para kay Klein. Ipinikit ko ang mga mata habang pinakikinggan ang ingay niya, tutal, baka mas kailangan ko 'yon. Hindi rin kasi ako natatahimik kapag sobrang tahimik ng kapaligiran.
"You looked like a mess more than the last time we saw each other. You looked your worst today. I've never seen you that way simula noong naghiwalay kayo ni Klein."
I opened my eyes but I didn't bother looking at her. I'll only be irritated because I know that she's pitying me. While she's having the best of her life, nandito ako, nagsasabi ng hinaing sa kan'ya dahil sa mga nangyari nitong nagdaang mga araw at linggo.
BINABASA MO ANG
A Kiss To Reminisce
Teen Fiction|| second installment of "habit series" || Solari Dominguez has a habit of biting her fingernails, especially at the times that she's nervous or guilty. It was a normal mannerism for everyone, not until Justine Klein Olivarez kissed her one day when...