❝ Minsan hindi ko na mapigilan ang sarili sa mga nararamdaman
Dahil sa mabababaw na dahilan.
Nakikita ko ang mga bagay tungkol sa 'yo
Na hindi alam ng ibang tao.
Naging tensyonado ako sa mabilis na panahon
Dahil alam kong nagkamali ako
Ng pagkakakilala noon sa 'yo. ❞
Nang matapos ang klase sa umaga, nagsimula na akong kabahan dahil ito ang unang beses na magla-lunch ako nang hindi sina Eureka at Gilbert ang kasama ko.Bwisit naman, ano ba 'tong pinasok ko??? Ang lakas pa ng loob kong sabihin na "'yun lang?" samantala kinakabahan naman ako ngayon!
"Tara na, Solari! Baka maubusan tayo ng vacant table!" sabi ni Eureka matapos magligpit ng gamit.
Sinukbit ko ang bag saka tumayo at sumabay sa kan'yang maglakad. "Uhh, hindi muna ako sasabay."
Huminto siya sa paglalakad bago lumingon sa akin.
"Bakit?!" tanong niya bago ngumuso.
Napabuntonghininga ako bago tumingin sa laban ng classroom kung nasaan nakatayo si Klein habang nakapamulsa ang dalawang kamay, naghihintay sa akin.
"Close na kayo?!" tanong niya.
Tumingin ako nang masama sa kan'ya. "H-Hindi, 'no! S-Sasabay lang k-kasi . . . m-mag-uusap kami tungkol sa research! 'Yun lang! U-Una na ako, Eureka!"
Matapos kong sabihin 'yon, nauna na akong lumabas ng classroom, iniiwan si Eureka kay Gilbert. Nang makarating ako sa harap ni Klein, nagsalita ako.
"T-Tara na," sabi ko nang hindi nakatingin sa kan'ya bago naunang maglakad paalis ng building.
Habang pababa sa hagdanan ay ramdam ko na nasa likuran ko lang siya. Hindi ko pa rin maintindihan kung bakit . . . bakit ako kinakabahan?! Ano ba 'tong nararamdaman ko, argh!
Nang tuluyan nang makababa, mas binilisan ko ang paglalakad pero napahinto kaagad nang may humila sa braso ko. Sunod-sunod ang paghinga ko na tumingin sa malapad na kamay na nakahawak sa palapulsuhan ko bago nag-angat ng tingin sa kan'ya. Napalunok ako nang makita ang seryosong mukha niya.
"Why are you always in a rush?"
Napaawang ang bibig ko. Nakita kong tumingin siya sa kamay ko. Doon ko lang napagtanto na ginagawa ko na naman ang mannerism ko na gusto ko na sanang mawala sa akin. Mabilis kong tinanggal ang pagkakahawak niya sa palapulsuhan ko bago tumayo nang maayos.
"M-Mainit kasi," sagot ko kasabay ng pag-ayos ko sa suot na salamin.
Tumalikod na ulit ako at naglakad nang mas mabagal. Tumingin ako nang bahagya sa likuran ko at nakitang tahimik lang siyang nakasunod habang nakatingin sa akin. Napatikhim ulit ako bago humawak nang mahigpit sa magkabilang strap ng bag at sinubukang huwag na siyang pansinin.
BINABASA MO ANG
A Kiss To Reminisce
Genç Kurgu|| second installment of "habit series" || Solari Dominguez has a habit of biting her fingernails, especially at the times that she's nervous or guilty. It was a normal mannerism for everyone, not until Justine Klein Olivarez kissed her one day when...