Finale

305 10 8
                                    

"Class, dismiss! Goodbye, everyone!"

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Class, dismiss! Goodbye, everyone!"

"Goodbye, Professor Solari!"

Tumango ako kasabay ng pagngiti bago sila pinanood na isa-isang lumabas ng classroom. Naupo na ulit ako sa upuan at niligpit ang mga gamit sa table dahil tapos naman na ang trabaho ko ngayong araw.

Sa kalagitnaan ng pagliligpit ko, napalingon ako sa cellphone nang bigla itong tumunog. Mabilis na nawala ang mga ngiti sa labi ko nang mabasa ang pangalan doon ng ex-boyfriend ko. Napabuntonghininga ako bago sinagot ang tawag.

"Hello . . ."

"Solari . . . tapos na ba ang class mo?" he asked. "Ihahatid na sana kita pauwi."

Nagbuntonghininga ako. "Ace . . . hindi na. Kaya kong mag-commute."

"No . . ." He sighed. "Please, I just really want to talk to you. B-Baka . . . baka p'wede pang maayos. B-Bigyan mo pa ako ng isang chance."

Napasandal ako sa upuan kasabay ng pagpikit ng mga mata dahil makulit talaga siya. It's been three days since we broke up and he's still really insisting on talking to me . . . driving me home.

Nang matigil siya, pumayag na lang din ako. "Okay, mag-uusap tayo pero . . . wala akong maibibigay sa 'yo, Ace. Yun lang din ang isasagot ko."

He sighed in relief. "Thank you. Wait for me, I'll go there, hmm?"

Nag-okay lang ako bago ibinaba ang tawag. Tinapos ko na ang pagliligpit ng gamit bago ko pinatay ang mga ilaw at aircon sa loob ng classroom, sinarado ang mga bintana, saka lumabas at muling isinarado ang pinto. Iniwan ko sa faculty ang mga gamit na hindi naman kailangang iuwi bago nag-time out. Pagkatapos, naghintay na ako kay Ace sa labas ng university.

It's been a good four years since Klein and I finally ended it totally. Wala naman akong naging pagsisisi sa desisyon na 'yon. Marami naman akong natutunan sa mga panahong 'yon.

Ilang minuto lang akong naghintay, huminto na sa harap ko ang pamilyar na sasakyan. Lumabas mula sa driver's seat si Ace saka kinuha ang mga gamit ko bago ako pinagbuksan sa shotgun's seat. Pumasok ako ro'n at naupo bago niya isinaradong muli ang pinto. Inilagay niya sa backseat ang mga gamit ko habang ikinakabit ko ang seatbelt bago siya naupo sa driver's seat.

"Are you hungry?" he asked as he put his seatbelt on.

I shook my head. "Hindi naman."

Tumango siya bago nag-drive paalis. "We'll still eat to fill our tummies."

Bahagya akong napangiti dahil isa ito sa mga dahilan kung bakit napagdesisyunan kong makipaghiwalay na lang sa kan'ya. He has been planning our lives all on his own. Sa lahat, siya ang nasusunod. Wala man lang siyang tinatanggap sa lahat ng mga sinasabi ko.

He's a manipulator, in my opinion, but not to the extent that he'll make me do such things that I didn't want in the first place. He's just low-key manipulating our relationship, to be precise.

A Kiss To ReminisceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon