Chapter 10

154 8 0
                                    

❝ Naniwala ako sa 'yo

Nang sinabi mo ang salitang 'yon.

At 'yon ang pinanghawakan ko

Noong mga panahong nawawala ka na

Sa buhay ko. ❞
    

     Nang mga sumunod na araw, palagi akong pinupuntahan ni Klein sa table ko para sunduin dahil magla-lunch na raw kami

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

    
Nang mga sumunod na araw, palagi akong pinupuntahan ni Klein sa table ko para sunduin dahil magla-lunch na raw kami.

Oo. Kami!

"Shuta, ah! May hindi talaga tama dito, bakla!" nakahalukipkip na sabi ni Eureka nang tumayo ako.

Pilit akong ngumiti. "M-Magkukwento ako next time, ha? Pakabusog kayo!"

Nagpaalam na rin ako kay Gilbert bago sumunod kay Klein palabas.

Nang nasa kainan na kami sa labas ng school at nakapag-order na ng sari-sariling pagkain, doon ko lang naalala ang tungkol sa ad blocker na inilagay niya sa Chrome ko.

Wednesday na ngayon! Sabado niya pa inilagay 'yon!

"Nakalimutan kong magpasalamat," panimula ko bago nagsimulang kumain.

"Saan?" tanong niya.

Nag-angat ako ng tingin sa kan'ya saka ngumiti. "Sa ad blocker na inilagay mo sa laptop ko." I chuckled. "Hindi na nakaka-badtrip mag-YouTube ngayon."

He chuckled. "Wala 'yon. Madali lang naman. Kahit ikaw, kaya mong gawin 'yon, eh."

"Psh. Hindi ko nga naisip maglagay n'on, ever! Thank you! Kahit anong site na ang i-visit ko sa Chrome, wala nang ads na bigla nagpo-pop!" I laughed.

"Wala 'yon. Para hindi ka na naiirita."

Sumubo ako ng pagkain at ngumuya bago nagsalita. "Hindi ko na alam paano babawi sa 'yo."

Tumawa siya. "Hindi naman na kailangan."

Ngumuso ako. "Hayaan mo rin naman akong may gawin for you. Pati nga sa chapter one research, wala akong nagawa. Tama rin naman ang grammar ng mga ginawa mo kaya parang wala na rin akong binago doon."

He didn't talk. Tinawanan niya lang ako habang kumakain.

"Dali na! Let me do you a favor! Sobrang thankful talaga ako sa ad blocker na 'yon. Tapos minsan, nililibre mo pa ako ng lunch. I feel indebted tuloy minsan."

Tahimik siyang kumakain at mukhang nag-iisip. Hanggang sa ilang saglit pa, nag-angat siya ng tingin sa akin.

"I have one in my mind."

Napangiti ako nang malawak. "Ano? Dali! Gagawin ko basta kaya ko!"

He smiled. "You were always not comfortable around me. Alam kong hanggang ngayon gano'n pa rin."

A Kiss To ReminisceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon