Chapter 24

121 6 0
                                    

❝ Alam kong dapat na magalit ako

Dahil wala akong kaalam-alam

Sinusubaybayan mo ang buhay ko doon.

Pero sa sobrang pagkagusto ko sa ’yo

Mas natuwa at kinilig pa ako

Lalo na noong sinabi mo ang dahilan

Kung bakit mo nagawa ’yon.

Gusto kong may gawin din ako

Para lang sa ’yo. ❞

  The next weekend came, we agreed to do the research in Klein's place

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

  
The next weekend came, we agreed to do the research in Klein's place. Right now, we are about to make our questionnaire for the survey that we will do with our chosen respondents. Nabigyan na rin kami noong Thursday ng advice and tips ng research adviser na ibinigay sa amin ni Sir Garcia kaya kahit papaano, mabilis na namin magagawa ang mga gagawin namin ngayon.

Hindi ko naman inasahan na pagkarating ko sa kanila . . . ipapakilala kaagad niya akong girlfriend niya!

"Mabuti naman at pinatulan mo itong kapatid ko!" Humagalpak ng tawa si Ate Valene bago uminom ng tubig sa baso niya. "Hay, nako! Kapag binigyan ka ng problema niyan, magsumbong ka kaagad sa akin, ha? Akong bahala sa 'yo!"

Nagtawanan ang parents nila habang kumakain ng breakfast sa hapag-kainan. Paulit-ulit akong nagkukutkot ng kuko sa ilalim ng lamesa at pilit na nakikitawa dahil hindi talaga ako handa para dito! Hindi niya ako in-inform! Nahihiya tuloy ako.

"Basta't aalagaan ninyong dalawa ang isa't isa, ha?" sabi ng mama niya bago tumingin kay Klein. "At ikaw, 'wag na 'wag mong sasaktan si Solari. 'Wag mo nang ulitin ang ginawa mo at ginawa sa 'yo noon, maliwanag?"

Tumawa si Klein. "Oo naman, 'Ma. Sigurado 'yon."

Nagpatuloy ang pagkain ng agahan. Pilit pa rin akong nakikisabay sa kwentuhan. Okay naman ang pakikitungo nila sa akin pero kasi naman, nagulat talaga ako ng sinabi niyang, "Ma, girlfriend ko na si Solari."

Eh kung sinabi niya na ipapakilala niya ako, sana dumaan muna ako sa store at bumili ng p'wedeng ibigay sa family niya! Sana rin naihanda ko ang sarili ko! Hay, nako!

Nang matapos mag-breakfast, umakyat kami sa k'warto niya. Masama ang tingin ko sa kan'ya pagkasarado ng pinto habang siya naman ay natatawa lang. Hinawakan niya ang kamay ko saka marahan akong hinila papunta sa kama niya. Naupo kami nang magkatabi sa gilid nito.

"Why are you so angry first thing in the morning?" he said, chuckling.

Kinurot ko siya sa braso, dahilan ng pagdaing niya. "Hindi mo ako in-inform na ipapakilala mo na ako sa kanila! Grabe yung atake ng anxiety ko kanina, hindi ako makahinga, ah!" bulyaw ko.

A Kiss To ReminisceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon