Chapter 30

140 7 0
                                    

❝ Kahit na hindi mo sabihin

Alam ko ang gusto mong iparating.

At hindi mo kailangang magtanong dahil

Ibibigay ko sa 'yo ang sarili

Nang buong puso . . .

Nang walang kahit katiting na pagsisisi

Kahit tanungin ko pa ang sarili

Nang paulit-ulit. ❞

September 23 came, it was Klein's birthday!

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


September 23 came, it was Klein's birthday!

Mas excited pa yata ako sa kan'yang pumasok para do'n dahil kagabi, noong magkausap kami matapos ko siyang batiin, paulit-ulit kong sinabi sa kan'ya na excited na akong makita siya dahil maibibigay ko na ang birthday gift kong sigurado namang magugustuhan niya!

Hindi niya rin ngayon ise-celebrate 'yon nang bongga dahil nga Thursday. Baka raw sa Saturday na dahil mag-iinuman raw sila buong araw ng mga pinsan niya, kasama ang one and only friend niyang si Kuya Lirio. He invited Gilbert too but his alcohol tolerance is not that high so he declined it politely.

Wala pang 7:00 a.m. nang makarating ako ng campus. Wala pa si Klein kaya naman tuwang-tuwa ako dahil ito ang unang beses na nauna akong pumasok sa kan'ya. Pero hindi man lang tumagal ng five minutes ang paghihintay ko dahil nakita ko na kaagad siya na kabababa lang ng jeep at ngayon ay naglalakad na papalapit sa akin!

Malawak ang ngiti kong sinalubong siya kahit na may mga estudyanteng papasok ang nabubunggo ko sa pagmamadali.

"Hi!" I greeted him with a wide smile.

He smiled back. "Hello, my love. You looked very happy today."

I chuckled as I tiptoed and planted a quick kiss on his lips. "Happy birthday, my love."

He chuckled before crouching down, cupping my face, as he planted a three-second kiss on my lips. "Thank you. You're the best birthday gift I've ever received."

Hinampas ko ng likod ng palad ang tiyan niya bago siya inaya nang pumasok sa loob. Magkahwak-kamay kaming naglakad papunta sa department namin.

"My family will celebrate my birthday today in a restaurant. You'll come with me. Dinner. Okay?" he said.

Tumango ako. "Oo naman, sure! I'd love to spend my whole day with you."

He scoffed. "May pasok pa bukas so hindi ka papayagan ni mama mo."

I shrugged. "Then, uuwi ako nang late. Nakapagpaalam naman ako at sinabing birthday mo."

Lumingon siya sa sinabi ko. "Really? What did she say?"

A Kiss To ReminisceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon