Chapter 03

227 12 0
                                    

❝ Baka nga hinusgahan lang kita.

Hindi nga siguro kita gaanong kilala

Pero nagawa kong ayawan ka

Dahil lang sa mga bagay na sa lahat ay 'yong ipinapakita. ❞

Tumakbo ako nang mabilis pagkababa ng jeep dahil kaunting minuto na lang, mali-late na ako sa first class ko! Ito pa naman ang iniiwasan kong mangyari ngayong sem

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Tumakbo ako nang mabilis pagkababa ng jeep dahil kaunting minuto na lang, mali-late na ako sa first class ko! Ito pa naman ang iniiwasan kong mangyari ngayong sem. Wala pa akong late kaya gusto ko sanang i-maintain.

Kung bakit ba naman kasi hindi ko matigilang manood kagabi, nahirapan tuloy akong gumising nang maaga!

Mabuti na lang talaga, hindi malayo ang building ng course ko na BA in Literature kaya noong nakapasok na ako sa gate, nakahinga na ako nang maluwag.

Nang makapasok ako sa room, halos lahat ng classmates ko, nandoon na. Mabuti na lang wala pa ang prof para sa unang subject kaya naman pagkaupo ko ay kinuha ko ang cellphone sa bulsa.

Since tamad akong mag-text simula pa noon, tinawagan ko si Eureka. Mabilis niya naman itong sinagot.

"Hello, bakla! Good morning!" masayang bati niya.

Natawa ako nang bahagya. "Good morning, wala ka pang class?"

"Mamaya pang 10:30 a.m. ang first class ko! Kaso hanggang gabi kaya medyo hassle," paliwanag niya. "Bakit nga pala?"

"Wala naman. Gusto ko lang sanang makasama kayong mag-lunch. Or any time na free kayo. Ang tagal na rin nating hindi lumalabas, ah?"

Bahagya siyang tumawa. "Sorry na, naging busy, eh. Sige, lunch tayo later. Sabihan ko si Gilbert then I'll text you kung saan tayo magkikita, ha?"

Napangiti ako. "Okay, then. See you, future mommy!"

Tumili pa ang loka-loka bago pinatay ang tawag. Natatawa na lang ako bago ibinulsa ang cellphone. Tiningnan ko ang oras sa suot na relo at nakitang 08:31 a.m. na.

Wow, himala yata na na-late ang prof namin na 'yon ng isang minuto??? Tumingin ako sa labas ng room at nagulat pa nang makita na dumaan si Klein. Nagkatinginan pa kami for a second bago ako umiwas ng tingin kaagad at nangalumbaba na lang.

Napakunot-noo ako bigla dahil hindi naman Literature ang course niya! Anong ginagawa niya dito?

May girlfriend kaya siya dito?

Napabuntonghininga ako bago napanguso sa mga naiisip.

☀️

"Nakuha na rin ang title na ito, Ms. Dominguez. You'll have to think of another title for this project once again," sabi ni Sir Garcia matapos kong ipaliwanag sa kan'ya ang title na naisip ko for our research.

A Kiss To ReminisceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon