Lumipas ang isang linggo, naging smoonth naman ang first week namin sa work immersion dito sa company. Strict ang empleyado pero mabait din naman sa amin.Medyo natututunan na namin kung paano mag-photocopy at magtimpla ng kape nila. Charot.
“Sex ang love language ng jowa mo,” Eureka said in the middle of our lunch.
Mabilis na nag-init ang mukha ko kasabay ng pag-ikot ng paningin ko sa loob ng cafeteria ng company habang si Gilbert naman ay tawa nang tawa sa tabi ng kumakain na si Eureka.
“Eureka, Lunes na Lunes ‘yang bibig mo, ha!” bulyaw ko sa kan’ya bago napainom ng tubig.
Ibinaba niya ang kutsara’t tinidor na hawak bago tumingin sa akin. “Paanong hindi kasi! Tingnan mo nga, Friday at Saturday n’yong ginawa na akala mo miss na miss n’yo isa’t isa!”
I bit my lower lip. “Miss ko naman talaga siya.”
She sighed dramatically. “Alam ko! Alam ko yung ghosting phase niya sa ‘yo! Kung ako may jowa d’yan, iniwan ko na ‘yan, eh! Ewan ko ba sa ‘yo bakit hindi mo maiwan-iwan kahit na sinabi ko naman na sa ‘yo na binabawi ko na ang sinabi kong hindi ako papayag na maghihiwalay kayo!”
Napanguso ako bago napasilip kay Gilbert. “Hindi mo ba aawatin yung girlfriend mo?”
He shrugged. “Hindi lang dapat ako ang nakakaranas ng pagdidiwara niya.”
I chuckled. Nanay na nanay, eh.
“Ang sinasabi ko lang, Solari, alam kong mahal mo. Alam kong marami ka nang nasakripisyo d’yan sa relasiyon n’yo. Pero kung patatagalin pa at gano’n pa rin siya, hindi siya gumagawa ng paraan para mag-improve or maging better, para saan pa ang relasiyon? Ang nangyayari kasi, nagiging okay siya kapag walang tao sa paligid niya, including you.”
Para akong sinampal dahil do’n sa sinabi niyang ‘yon.
“Tapos, kapag okay na ulit kayo, ano mangyayari? Magsi-sex kayo na parang hindi kayo nag-usap for two weeks?” Umiling siya sa sobrang pagkadismaya bago muling kinuha ang kutsara’t tinidor. “That first time he neglected all of your messages was a waving red flag . . . and you’re a willing bull who ran for it.”
Itinuloy niya ang pagkain na parang hindi masasakit ang pananampal niya ng realidad sa akin.
“Hay nako, Solari! Sinasabi ko sa ‘yo, isang beses ka pang pumunta sa bahay nang umiiyak dahil lang sa lalaking ‘yan, ako na papatay d’yan, makita mo!”
Napanguso ako bago muling tumingin kay Gilbert. “Pakiawat na, please.”
Gilbert laughed as he shook his head. “No.”
I sighed. “Hindi ko kayang iwan.” I continued eating as I talked. “Hindi dahil malaki na ang nasakripisyo ko para sa kan’ya. Mahal ko siya. At alam kong kaya gano’n lang siya minsan . . . kasi hindi siya okay.”
BINABASA MO ANG
A Kiss To Reminisce
Teen Fiction|| second installment of "habit series" || Solari Dominguez has a habit of biting her fingernails, especially at the times that she's nervous or guilty. It was a normal mannerism for everyone, not until Justine Klein Olivarez kissed her one day when...