Chapter 28

111 5 0
                                    

❝ Ako ang masaya kapag nakikita kang tumatawa

Kapag nakikita kang ginagawa

Ang mga bagay na gusto mong ginagawa.

Gusto kong manatili kang gan’yan sa isip ko

Kaya kukuhanin ko lahat ng pagkakataon

Mapanood ka lang ulit nang ganito. ❞
 

   Kinabukasan, nagpunta ako sa bahay nina Klein nang namamaga ang mga mata

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

  
Kinabukasan, nagpunta ako sa bahay nina Klein nang namamaga ang mga mata. Nakita ko ang pag-aalala niya nang makita ako kaya inasahan ko na ang pagtatanong niya pagkapasok namin sa k’warto niya.

“May problema ba?” he asked as he massaged my hand.

Umiling ako. “Wala naman.” I sighed. “Parang may sepanx lang ako sa teenage years.”

He chuckled. “Teenager ka pa rin naman, love.”

Sumimangot ako. “Teen but legal age already.” I sighed, lying on his bed. “My parents are already slowly letting go of me.”

Klein gently lay beside me. “Isn’t that a good thing? They are giving you your freedom now that you’re eighteen already.”

I scoffed as I looked at him. “I have my freedom even before I reach this age, Klein. Ngayon kasi, iba na. Parang hahayaan na nila akong i-handle ang mga bagay nang ako lang.”

Tumango siya matapos marinig ang paliwanag ko. “Should we . . . chill for now? ’Wag muna tayong gumawa ng research. Magpahinga ka na muna kasi mukhang pagod ka pa.”

Umiling ako bago tumagilid para mas humarap sa kan’ya. Yumakap ako bago isiniksik ang mukha sa leeg niya.

“We need to do the research. Okay na ang ilang minutong ganito tapos gawa na tayo.”

Tumango siya bilang tugon bago ako niyakap pabalik. Naramdaman ko ang paghalik niya sa ulo ko at ang pagbuntonghininga. We cuddled for a few minutes—thirty, I think—before we decided to start tallying the result of our survey.

Hinati namin ang nakatumpok na questionnaires at nagbilang nang magkalayo sa k’warto niya, nang sa gayon, hindi kami malito kapag nawala kami pareho sa focus. Nagkaroon pa kami ng ilang ulit na pagbibilang ulit dahil nagkalituhan pa kaming dalawa sa pag-uusap, but in the end, we finished counting every response.

We proceeded to revise our first draft of chapter three, which is the research methodology. Noong una kasi, gumawa lang kami ng mailalagay namin pero wala pa talaga yung mga detalye at information na kailangan namin. May mga blanks noon that we’re both able to fill today because we finished the survey.

Using the Slovin’s formula for chapter three, pinakita namin kung bakit 245 ang bilang ng respondents namin. Noong una, medyo nalilito pa ako dahil hindi ako gaanong nakinig kay Sir Garcia no’ng pinaliwanag ’yon, pero isang paliwanag lang sa akin ni Klein, na-gets ko na kaagad.

A Kiss To ReminisceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon