Chapter 18

124 5 0
                                    

❝ Hindi ko maipaliwanag sa salita

Ang lahat ng aking nadama.

Pero noong mga oras na magtanong ka

Alam ko na kaagad sa sarili ko

Kung anong sagot ang ibibigay ko.

Alam kong alam mo rin kung ano ’yon. ❞
  

    Mabilis kong sinampal nang malakas ang sarili ko dahil sa mga bagay na nangyari years ago na bigla-bigla ko na lang naaalala out of nowhere

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

   
Mabilis kong sinampal nang malakas ang sarili ko dahil sa mga bagay na nangyari years ago na bigla-bigla ko na lang naaalala out of nowhere. Nakita ko na parang nagulat si Trevor sa ginawa ko kaya umayos ako ng upo bago humigop sa iced coffee na nilibre niya sa akin dito sa cafeteria.

“Salamat pala dito. Hindi mo naman ako kailangan ilibre, konti lang naman ang ginawa natin doon,” paliwanag ko.

Bahagya siyang tumawa. “No. Inistorbo kita, eh. This is the least thing I can do for you in exchange for your helping hand.”

I chuckled. “Hindi naman ako nanghihingi ng kapalit! Ayos lang ’yon, Mr. President!”

He smiled. “Ano bang nangyari sa ’yo kanina? Bakit bigla mo sinampal sarili mo?”

I shrugged before sipping on my iced coffee. “Wala naman. Mga alaala years ago na bigla na lang pumapasok sa isip ko.”

He chuckled before sipping on his coffee. “Bakit kasi bigla mo naalala? Anong trigger?”

Napanguso ako. “Wala naman. Nakita ko kasi kanina. Ewan ko ba, bakit bigla kong naalala yung bagay na ’yon.”

“Baka naman nami-miss mo.”

I rolled my eyes. “Eh ’di sana niyakap ko na kung miss ko na.”

He laughed. “Wow. Ikaw talaga. Kaya sa ’yo ako palagi nagpapatulong, eh. Nalilibang din ako at the same time."

I smirked. “Talent fee ko po, Mr. President!"

He chuckled. “Willing to pay po, ma'am."

Napatigil ang tawanan naming dalawa nang makita ko si Klein na pumasok sa loob ng cafeteria. Tumingin siya sa akin pero wala naman akong mabasa sa ekspresyon niya. Well, I guess, wala naman dapat basahin. Bumili siya ng pagkain bago naupo sa isang bakanteng table at aaka kumain mag-isa.

Nagpatuloy lang kami ni Trevor sa pagkukwentuhan. Nakita ko sa gilid ng mga mata ko na tumitingin sa akin si Klein. Inayos ko ang suot na salamin ko at mas itinuon ang atensiyon sa kausap ko ngayon sa harap ko.

Argh! Hindi pa ba magsisimula ang susunod naming klase?! P’wede bang umalis na?!

It was the longest thirty minutes of my whole life! Hindi ko alam kung assumera ako o talagang pinanonood ako ni Klein habang nakikipag-usap kay Trevor. Hindi naman ’yon ang unang beses na nagkasama kami sa iisang lugar lang pero ngayon ko lang naramdaman yung ganitong tensyon sa loob ng halos dalawang taon ko dito sa university!

A Kiss To ReminisceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon