Chapter 20

137 6 0
                                    

❝ Ikaw ang pinakamalakas ang loob

Para gawin ang bagay na ’yon.

Mas lalo kong pinatunayan sa sarili kong

Tama ang naging desisyon ko--

Na sumugal sa ’yo

Sa kabila ng pangit na nakaraan mo--

Sa kabila ng kung ano ka sa nakaraan mo. ❞
  

“Solari--”

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

“Solari--”

Napalingon ako kay Mama habang sinusuklay ang buhok ko. Nakita ko pa ang gulat niya nang makita ako.

“Gising ka na pala, hindi ka bumababa!” bulyaw niya. “Nandito na ang kaklase mo! Bumaba ka na at kumain ng agahan, ha!”

I gulped. “O-Oo, Mama!”

Pagkatapos n’on, umalis na si Mama.

Hinugot ko na sa saksakan ang blower na ang tagal kong ginamit para lang patuyuin nang mabuti ang buhok ko. Pagkatapos, nag-apply ako ng kaunting face powder at lip tint dahil alam kong pupunta si Klein ngayon dito. Pambawi man lang sa bawat pagpunta niya dito na palagi akong naaabutan na bagong gising.

Nang matapos, isinuot ko na ulit ang salamin bago lumabas ng k’warto. Sumilip ako sa ibaba at nakita si Klein na kausap si Mama sa living room. Medyo tumatawa-tawa pa ang lalaking ’to! Nagpapa-good shot yata sa nanay ko, ah?!

Tumikhim ako at inayos sa huling pagkakataon ang sarili bago bumaba. Mabilis na napalingon sa akin si Klein nang makarating ako sa kinaroroonan nila ni Mama.

“Oh, halika na. Mag-agahan na tayo, mga anak.”

Nakita ko na nagulat pa si Klein sa narinig kay Mama kasabay ng pamumula ng mga tainga niya. Tumikhim siya bago inaya akong sumunod na sa dining area.

Pinaghila niya ulit ako ng upuan bago siya umikot papunta sa upuan sa harap ko saka umupo.

“Halina’t magdasal tayo.”

Nag-sign of the cross kami bago ipinagdasal ang panalangin na binabanggit ni Mama. Nang matapos, si Mama na nasa kabisera ng lamesa ang nagsandok ng kanin at ulam sa parehong plato namin ni Klein.

“Magpakabusog kayo ngayong umaga nang may lakas kayo sa buong araw, ha?” saad ni Mama.

Pigil ang ngiti ni Klein na sumagot. “O-Opo, Tita.”

Nagsimula na kaming kumain.

Habang kumakain, nag-uusap sina Mama at Klein tungkol sa mga ginagawa namin sa school at kung anong klaseng research daw ba ang ginagawa namin at bakit dalawa lang kami.

Nakakaloka ’tong si Mama, ang dami-daming pagkakataon na itatanong niya sa akin ’yon nitong mga nagdaang linggo pero hindi niya ginawa! Si Klein talaga ang tinanong niya, ha!

A Kiss To ReminisceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon