❝ Sabi ng iba, nakakakilig kapag
Nakita mong takot silang maiwan;
Takot silang bitiwan.
Pero iba ang naramdaman ko
Nang makita ko ang takot sa ’yo.
Nasaktan ako nang totoo
At ayaw ko nang makita pa ulit sa ’yo ’yon. ❞
Umagang-umaga pa lang ng Lunes, nag-text na ako kay Klein para bumati ng good morning. Sinabi ko rin na papunta na ako ng campus. I waited for his reply pero nakarating na ako sa eskwelahan, wala pa rin.Naghintay ako sa kan’ya sa usual spot kung saan niya ako hinihintay. Baka masyado lang akong maagang pumasok ngayon, tutal 07:05 a.m. pa lang naman. Ilang minuto pa akong naghintay at sa hindi ko maipaliwanag na dahilan, nakakaramdam ako ng kaba.
“Bakla!”
Napalingon ako sa papalapit sa akin na si Eureka habang nakasunod sa kan’ya si Gilbert. Tumawa siya pagkarating sa harap ko.
“Himala at nandito ka pa! 07:15 na, ah?”
Napasimangot ako. “Wala pa si Klein.”
Ngumuso si Eureka. “Hindi ba nag-text sa ’yo?” I shook my head. “Tawagan mo na kaya.”
“Sinubukan ko na pero hindi naman siya sumasagot.”
Suminghap siya nang malakas. “Ano bang problema n’on?!”
“Bakit hindi mo na lang sa room siya hintayin? Malay mo nandoon na rin pala siya,” singit ni Gilbert.
Napasimangot ako dahil kung nandoon na nga siya, bakit hindi siya nagpasabi na hindi niya ako mahihintay?
Tulad ng sinabi ni Gilbert, doon na nga lang ako maghihintay sa kan’ya kung sakaling wala pa siya. Bumalik tuloy ako sa pagiging third wheel sa relasyon nilang dalawa!
Pagkarating namin sa room, marami-rami na kaming classmates ang nandoon pero wala pa rin si Klein. Nagwo-worry tuloy ako dahil baka mamaya, napasobra naman masyado ang pag-inom niya.
Dumating na si Sir Garcia at nag-ring na ang bell pero hindi ko siya nakitang pumasok. Ni hindi man lang nag-reply sa napakarami kong text sa kan’ya.
Buong maghapon, wala akong gana sa lahat. Pakikinig sa profs, pagkain ng lunch, pakikipagkwentuhan kay Eureka . . . wala lahat.
Nag-aalala ako. Ano na bang nangyayari kay Klein?
Napabuntonghininga ako nang hinarang ako ni Eureka habang papalabas kami ng campus.
BINABASA MO ANG
A Kiss To Reminisce
Teen Fiction|| second installment of "habit series" || Solari Dominguez has a habit of biting her fingernails, especially at the times that she's nervous or guilty. It was a normal mannerism for everyone, not until Justine Klein Olivarez kissed her one day when...