Nang matapos ang kabuuan ng program sa reception, lumipat naman kami ng lugar para sa after-party. Nandito kami ngayon sa malawak na garden ng bahay nila Gilbert dahil dito na tumira si Eureka simula noong nalaman nilang buntis siya.The place is organized beautifully like it’s been done by the professionals, pero ang nag-ayos raw ay mga pinsan lang ni Gilbert. May mahabang dalawang table na naka-set up, nakahilera din ang mga alak at pagkain doon.
Ang mga invited lang ay ang pinakamalapit na tao sa buhay ng newlyweds na ito. Puro nga kami single--I mean no boyfriends and girlfriends--kaya nagkakaroon ng kantiyawan. Gusto kong mahiya pero wala na yata sa katawan ko ‘yon. Ang dami-dami kasing ikinakantiyaw sa akin ng mga pinsan ko kapag umiinom kami.
Eureka and I made a lot of catching up. I was drinking tequila while she’s just enjoying her juice. Nandito rin siya sa long table at ang mga tao ay may kani-kan’yang topic kaya ang ingay. Parang kami lang ni Eureka.
“Naiinis ako talaga sa ‘yo, nakiusap pa naman ako sa mga pinsan ko na ‘wag nilang kuhanin ang bulaklak dahil ikaw ang gusto kong kumuha n’on!” bulyaw niya.
I laughed. “Bakit kasi ako?!”
“Gusto ko lang makita nang live kung paano maglandian nang gano’n ang college na Solari at Klein! Hindi mo pa ako pinagbigyan!”
Mabilis na nag-init ang mukha ko nang dahil do’n. “F-Feeling mo naman sasaluhin niya yung garter.”
Humagalpak siya ng tawa. “Hoy, you don’t know what I know, bakla! You don’t know what Klein might do. Hmm . . .” Her eyebrows wiggled.
I smirked. “Kung makagan’yan ka, akala mo hindi mo tinadtad ng mura sa akin yung tao, two years ago.”
Muli siyang humagalpak ng tawa. “Hoy, valid naman yung rason ko do’n! Nakakagalit naman talaga siya!” She sighed. “Pero ewan ko ba, kinausap ako ni Gilbert about him noong after ng graduation. May mga pinaliwanag siya sa akin tapos kinausap ko na rin siya. Napatawad ko na siya sa mga ginawa niya sa ‘yo noon.”
Tinawanan ko siya sa mga sinabi niya but at the same time, I got curious. Ano kaya yung mga sinabi ni Gilbert? Eureka does not forgive easily so what’s special with Klein?
“Sana magkabalikan kayo,” she suddenly said, making my forehead creased. “I mean . . . kahit friends lang! Okay na ako do’n!”
I chuckled. “Mukhang friends naman kami kanina.”
She scoffed. “Oh, ikaw? Kumusta? Wala na talaga?”
I shrugged before drinking my tequila. “Matagal nang wala. Okay na okay na ako.”
She nodded. “Sana mahanap mo na rin yung ihaharap mo sa altar, bakla. Gusto ko na rin makitang ikakasal ka.”
I smiled. “Oo naman! Makikita ko rin ‘yon pero malay natin kung kailan.”
BINABASA MO ANG
A Kiss To Reminisce
Novela Juvenil|| second installment of "habit series" || Solari Dominguez has a habit of biting her fingernails, especially at the times that she's nervous or guilty. It was a normal mannerism for everyone, not until Justine Klein Olivarez kissed her one day when...