Nang nagkaroon na ng kaunting lakas, kinuha ko ang cellphone ko kay Mama. Baka nag-aalala na si Klein dahil nasa hospital ako ngayon. Gabi na rin at baka magtaka siya kung bakit wala pa ulit akong paramdam simula kaninang umaga.Pagkakita ko sa cellphone, wala naman akong nakitang text galing sa kan’ya. Nakita ko lang ang text ni Eureka dahil nasabihan pala siya ni Mama. Sinabi niya rin na pupunta siya ngayong gabi.
Grabe, hindi kaya nag-aalala si Klein sa akin? Ni hindi man lang ako kinukumusta.
Sinubukan ko siyang tawagan para sana ipaalam ang kalagayan ko ngayon, pero hindi niya naman sinagot. Ilang beses ko pa siyang tinawagan pero kahit isa, wala siyang sinagot doon.
Well . . . I guess . . . he doesn’t care about me.
Inialis ko na sa isip ko si Klein sa ngayon dahil gusto ko nang umuwi at kung magpapaka-stress ako sa kan’ya habang nandito pa ako sa hospital, lalo akong tatagal dito.
Nag-selfie ako saka s-in-end ’yon kay Eureka sa messenger.
Me:
Wassup madafakaM
abilis siyang nag-reply.
Eureka:
Otw na ako tanga kaHindi ko napigilan ang tumawa. Hindi ko tuloy alam kung nag-aalala ba sa akin ’tong si Eureka o hindi, eh!
Pagkarating niya ng hospital, dumeretso siya sa akin. Umalis naman si Mama dahil kakain daw muna siya.
“Hoy, ’tang ina nito! Sinabi nang ’wag ka nang babalik dito sa parehong dahilan, eh!” bulyaw ni Eureka bago kumuha ng orange saka binalatan. “Anong nangyari, ha?!”
I shrugged. “Anxiety disorder. May PTSD na rin yata ako.” I laughed and that made her look confused. “Lagi akong binabangungot, eh.”
Napakunot-noo siya. “Anong kinalaman ng bangungot sa PTSD? Gago, seryoso na masyado ’yon, ah!”
Napabuntonghininga ako bago ikinwento ang lahat kay Eureka. Paulit-ulit naman siyang nagmura nang dahil doon at galit na galit siya dahil hindi ako nagsabi.
“Hayop ka!” bulyaw niya bago ako sinubuan ng orange. “Hindi naman siguro PTSD 'yan! ’Wag naman sana! Pero grabe, ang lala ng epekto ni Klein sa ’yo. Seryoso ka bang hindi mo pa ibe-break ’yan?” She laughed. “Charot.”
Tinawanan ko siya. “Ikaw talaga, puro break ang nasa isip mo. Kapag kayo, naghiwalay ni Gilbert, nako. Pagtatawanan kita!”
Tumawa siya nang dahil do’n. “Kahit maghiwalay kami, hindi naman ako dependent sa kan’ya, bakla! Kaya ko mabuhay nang wala siya, ’no. Hindi naman ako tulad ng iba d'yan!” pagpaparinig niya bago tumawa. “Oh? Eh ’di ano nang sinabi ni Klein? Nag-aalala?”
BINABASA MO ANG
A Kiss To Reminisce
Teen Fiction|| second installment of "habit series" || Solari Dominguez has a habit of biting her fingernails, especially at the times that she's nervous or guilty. It was a normal mannerism for everyone, not until Justine Klein Olivarez kissed her one day when...