Chapter 29

106 6 0
                                    

❝ Ang daming pumasok sa isip ko

Sa unang beses na natulog nang magkatabi tayo.

Ganito ba ang pakiramdam kapag

Sa iisang bahay na lang tayo naninirahan?

Ganito ba kasaya kapag . . .

Bubuo na tayo ng buhay na sa ngayo’y inapangarap lang? ❞

 

Nagising ako nang maramdaman kong may humalik sa labi ko

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Nagising ako nang maramdaman kong may humalik sa labi ko. Marahan akong nagmulat ng mga mata. Wala na ang suot na salamin ko kaya naman blurred na naman ang paningin ko.

Iniabot ni Klein sa akin ang salamin bago ko inialis ang pagkakadukmo ng ulo ko sa computer table.

"Tapos na kayo?" tanong ko habang isinusuot ang salamin.

Inikot ko ang paningin at napansing kumonti na ang mga tao pero may nadagdag na panibago. Nakita ko si Kuya Lirio na naglalaro pa rin pero si Klein, hindi na.

Tumango siya. "Ayaw ko na. Uwi na tayo maya-maya, love."

Napanguso ako. "Anong oras na ba?"

"Mahigit alas-tres na."

"Oh? Akala ko ba mag-overnight kayo?"

Ini-stretch ko ang braso at ginalaw-galaw ang katawan dahil medyo sumakit at nangalay ito dahil sa posisyon ng pagtulog ko kanina.

"Puro panalo naman, love. Okay na 'yon." He chuckled. "Hintayin na lang natin matapos si Kuya Lirio. Kain muna tayo ng goto sa labas bago umuwi."

Tumango ako at sinamahan siyang maghintay na matapos sa napakahabang game ni Kuya Lirio. Sobrang tagal ng isang game, inabot ng one hour! Almost 4:00 a.m. na nang lumabas kami ng computer shop!

"'Tang ina kasi, sana nag-concede na kayo, bobo naman mga kampi mo," bulyaw ni Klein kay Kuya Lirio.

"Gago, sayang! Kita mo nga, naipanalo ko!"

"Psh! Late na kami matutulog!"

"Tss! Mama mo tulog!"

Pinagtawanan ko na lang sila at hinayaang magbardagulan habang naglalakad kami papunta sa gotohan kung saan daw sila kumakain palagi sa tuwing matatapos maglaro. Pagkarating namin do'n at matapos makaupo sa bakanteng table, may ilan pa silang binati doon na mukhang nakakasama nila maglaro.

Akala mo mga classmate sa isang subject, eh.

Unlimited goto raw ito kaya naman oras na dumating na ang pagkain, tumahimik na silang dalawa na akala mo, hindi nag-aaway kanina!

Hindi ko pa napapangalahati ang goto na kinakain ko, nanghingi na kaagad ng refill si Kuya Lirio. At wala pang sampong segundo, si Klein naman ang nanghingi!

A Kiss To ReminisceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon