❝ Sobrang ayaw ko sa 'yo.
Malayo ka sa mga lalaking gusto ko.
Pero tadhana na yata ang gumawa ng paraan . . .
Pinaglapit tayo nang hindi natin namamalayan. ❞
Walang pasok ngayon sa university ayon sa schedule na nakuha ko kaya nagtataka ako kung bakit ang aga-aga pa, katok na nang katok si Mama! Hindi ko tuloy alam kung mas okay ba na nandoon siya sa depressed kong pinsan na si Caleb o nandito siya, e.Hay nako!
Bumangon ako at padabog na in-unlock ang pinto ng k'warto. "Ma! Ang aga-aga pa, wala akong pasok!"
She scoffed. Hindi rin ako sure kung inirapan nga ba ako ni Mama kasi sobrang labo ng mata ko! Wala akong makitang maayos ngayong wala akong suot na salamin!
"May dumating kanina, kaibigan mo yata. Para sa iyo raw!"
Iniabot niya sa akin ang puting envelop na parang invitation. Nagtaka naman ako dahil mukhang wedding invitation 'yon. Wala naman akong kaibigan na ikakasal, sa pagkakaalam ko.
"Ang sungit-sungit mong bata ka, kanino ka ba nagmana, ha?"
Nagbuntonghininga na lang ako at bumalik sa kama. Isinarado naman ni Mama ang pinto at hindi na pumasok pa. Siguradong dederetso mamaya 'yon sa bahay ni Caleb, tutal, college na rin 'yon.
Ano pa bang bago?
Kinuha ko sa side table ang salamin saka ito isinuot. Nakita ko sa envelop ang buo kong pangalan--Solari Dominguez.
Gagi, sino namang ikakasal?! Wala naman akong kaibigan na nagbabalak magpakasal, ah?
Binuksan ko ang envelop at nakita ko ro'n ang magandang prenup photo ng high school classmates kong si Eureka at ang long-time boyfriend niya na si Gilbert. Napaangat ako ng kaliwang kilay dahil . . . seryoso pala na magpapakasal na sila?! Hindi ko 'to nabalitaan, ah?!
Hay, college nga naman. It makes us drift away from the real world.
Binasa ko ang nilalaman ng invitation. Nakalagay din sa guest list ang pangalan ko at ng iba pang imbitado sa reception. One hundred people ang invited at mukhang bawal magdala ng plus one!
Sayang, isasama ko pa naman si Calista.
Napabuntonghininga ako nang makita ko ang pangalan do'n ng taong ang tagal ko nang hindi nakakausap. We may see each other since we're studying in the same university but after what happened to the both of us, we never talked to each other again.
Well . . . kailangan pa ba?
Kinuha ko ang cellphone at hinanap ang number ni Eureka. Pinindot ko ang dial at tinapat ang cellphone sa tainga, pinakikinggan ang pagri-ring ng number niya. Ilang sandali pa, sinagot na niya 'yon.
BINABASA MO ANG
A Kiss To Reminisce
Novela Juvenil|| second installment of "habit series" || Solari Dominguez has a habit of biting her fingernails, especially at the times that she's nervous or guilty. It was a normal mannerism for everyone, not until Justine Klein Olivarez kissed her one day when...