Chapter 52

139 5 0
                                    

    

        Klein made me ride his motorcycle

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

   
   
Klein made me ride his motorcycle. Mabuti na lang naka-pants ako ngayon. Paminsan-minsan kasi, nagdi-dress ako kapag wala na akong maisip na ibang pwedeng i-partner sa pants since nagsasawa na ako sa shirt kapag nakailang ulit na ako ng suot.

Nakarating na kami sa bahay niya, hindi pa rin siya nagsasalita. Nakapasok na kami sa loob at naghahanda na siya ng miryenda ngayon habang nakaupo lang ako sa couch . . . wala pa rin siyang sinasabi.

“Uhh . . .” I gulped. “Ano bang pag-uusapan natin?” I asked in my louder voice so he could hear me.

Nagsalin siya ng juice sa dalawang baso saka inilagay sa tray, kasama ng cake na nasa dalawang platito. Lumapit siya sa akin dala ’yon saka ibinaba sa maliit na center table sa harap ko.

“Klein—”

“Kumain ka na muna. Si Ate Valene nag-bake niyan,” he said, cutting me off.

Wala na akong ibang nagawa kung hindi ang marahan na tumango bago kinuha ang platito sa harap—ganoon din siya. Nagsimula na kaming tahimik na kumain.

I’m halfway through finishing this cookies and cream cake when he asked me something.

“Is he . . . courting you?”

Napalingon ako sa kan’ya. “Sino?”

He looked away, focusing his eyes on his remaining cake. “That one who kissed you earlier.”

Napaawang nang bahagya ang bibig ko. “Ahh . . . hindi.” I chuckled slightly. “And if ever man na oo, I don’t think you should care anymore.”

He scoffed but didn’t talk anymore. Tinapos na lang niya ang pagkain kaya naman gano’n na lang din ang ginawa ko. Uminom na ako sa baso ng juice habang siya naman ay tumayo at dinala sa sink ang mga pinagkainan.

Nang maibaba ang baso pabalik sa center table, saktong pag-upo niya sa tabi ko. Lumingon ako sa kan’ya. Nakatitig lang siya sa akin.

“So . . . anong . . .” I looked away when his stares made me nervous. “. . . p-pag-uusapan?”

Tumikhim siya bago nagbuntonghininga. “I’ve been silently observing you for a week since we talked here.” Napalunok ako nang dahil do’n. “I mean, I’ve been watching you for the past two years so I know whenever you’re not okay.”

Anong pinagsasabi niya???

“Why are you . . . down and indifferent the past week?”

Hindi ako sumagot. Kinuskos ko ang kuko sa index finger kung saan palagi akong may sugat. Napatigil ako nang hinawakan niya ’yon para pigilan . . . at hindi na binitiwan pa.

Napalingon ako sa kan’ya. “W-What?”

He sighed. “You’re not fine.” I gulped. “Is there something . . . bothering you?”

A Kiss To ReminisceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon