Chapter 19

139 7 0
                                    

   ❝ Hindi dapat kaagad kita hinusgahan

Kasi hindi ka naman talaga tulad ng aking inaasahan.

Marami kang pagkakamali noon.

Pero ang mahalaga, hindi na ikaw ’yon.

Ibang tao ka na ngayon

Sa taong nagkamali ng paulit-ulit noon. ❞
  

Kinagabihan, hindi ako makatulog dahil sa tuwing ipipikit ko ang mga mata ko, bigla kong maaalala kung paano ako hinalikan ni Klein kaninang umaga pati lahat ng mga sinabi niya bago kami umuwi

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Kinagabihan, hindi ako makatulog dahil sa tuwing ipipikit ko ang mga mata ko, bigla kong maaalala kung paano ako hinalikan ni Klein kaninang umaga pati lahat ng mga sinabi niya bago kami umuwi.

Paulit-ulit akong sumipa sa kumot habang tinatampal ang magkabilang pisngi para lang mawala sa isip ko 'yon at makatulog na.

Bwisit!

Bumangon ako para sana magtimpla ulit ng kape sa baba. Sakto namang pagtunog ng cellphone ko, dahilan para mapalingon ako doon. Nang makita ko ang nakailaw na screen, noon ko lang din nalaman na 11:11 p.m. na pala.

Shuta. Mag-a-alas dose na!

Kinuha ko ang cellphone at tiningnan kung sino ang nag-text. Nanlaki pa ang mga mata ko nang mabasa ang pangalan ni Klein!

Ano na naman bang kailangan nito?! Gusto ko nang makatulog, p'wede ba!

Napabuntonghininga ako bago binasa ang text.

Klein:
Gising ka pa?

I sighed once again as I typed my reply.

Me:
Yup.

Klein:
Nice. :) Can I call?

Napalunok ako habang nakatitig sa huling text niya. Hindi ko alam kung anong ire-reply ko kasi . . . bakit ba ang hilig nitong tawagan ako? Wala naman kaming pinag-uusapan minsan!

Me:
Ah, why?


Klein:
I

can't sleep. Gusto sana kitang marinig…

Mabilis na nag-init ang mukha ko nang dahil doon. Kinagat ko ang ilalim na labi bago nag-reply.

Me:
Okay, then…


Wala pang isang minuto, nakita ko na ang pangalan niyang nag-flash sa screen ko. Tumikhim ako bago sinagot ang tawag.

“Hello . . .”

Tumawa siya nang mahina. “Hello.”

Napasimangot ako dahil nang marinig ko ang boses niya, alam kong umiinom ulit siya.

A Kiss To ReminisceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon