Chapter 23

129 5 0
                                    

❝ Noong unang beses na sinabi mong

Mahal mo ako . . .

Parang may nabuong panibagong mundo sa isip ko

Na ang laman ay ikaw lang at ako.

Sobrang saya ko.

Sana masabi ko rin ’yan kaagad sa ’yo. ❞

   Less than a month before my birthday, Papa called me to ask about my plan

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

  
Less than a month before my birthday, Papa called me to ask about my plan.

“Sigurado ka bang ayaw mo ng formal eighteenth birthday party?” he asked for the third time.

I laughed. “Papa, siguradong-sigurado! Ayaw ko ’yon, malaking gastos lang ’yon! Ayos na sa akin ang kaunting handa. Ipunin mo na lang ’yong pera d’yan para makauwi ka na dito.”

“Gustuhin ko man, hindi p’wede. Magko-college ka na.” Ngumiti siya sa screen nang medyo maliit. “Hay, legal na edad ka na, anak. Pasensiya na, wala ako d’yan.”

Mabilis na nag-init ang sulok ng mga mata ko nang dahil sa sinabi niya. Pinilit ko pa rin tumawa nang sa gayon ay mapigilan ko ang pag-iyak.

“A-Ayos lang po ’yon, Papa. Para sa amin din naman ang ginagawa mong sakripisyo, eh.” I sniffed. “At saka, umuuwi ka naman tuwing mid-December kaya wala pong problema sa akin, Papa. Ayos na ayos lang po ako dito.”

Nagbuntonghininga ako bago pinunasan ang luhang nakatakas mula sa mga mata ko. Tumawa ulit ako saka medyo inilayo ang camera sa akin para mapunasan ko nang maayos ang luha ko. Nang matapos, bumalik ako sa harap ng camera ng cellphone.

“Miss na miss na kita, Papa.”

Matapos kong sabihin ’yon, bumuhos ang mga luha ko. Hindi rin kasi siya nakauwi nitong nagdaang Pasko kaya sobrang nangungulila ako sa kan’ya ngayon.

Simula pagkabata, sobrang malapit ako sa parehong magulang ko. Kaya noong nag-grade 7 ako, naging mahirap sa akin na nagsimula na rin sa pagtatrabaho sa abroad si Papa dahil hindi ako sanay nang wala siya dito.

’Yon din yung mga panahong nagtatampo na ako kay Mama dahil nagseselos ako kay Caleb.

“Miss na miss ko na rin kayo ng mama mo, anak. Kaso wala akong magawa. Hindi ako makaalis. Hindi ako makabalik kaagad. Hindi ko magawang umuwi nang mabilis sa inyo. Pagpasensiyahan mo na si Papa, anak.”

Umiling ako nang umiling sa huling sinabi niya bago pinunasan ang mga luha ko. Kumuha ako ng tissue sa side table at tinuyo ang mga luhang naglandas sa pisngi ko.

“Wala po kayong dapat ihingi ng pasensiya, Papa. Ayos lang po talaga. Naiintindihan ko. Hmm?”

Tumango siya nang marahan. “Bawas-bawasan mo pag-away sa mama mo, ha? Alam kong nagseselos ka pa rin sa pinsan mo ngayon, pero sana maintindihan mo. Kung hindi dahil sa papa ni Caleb, hindi ako magkakaroon ng magandang trabaho d’yan at makakalipad papunta dito sa Qatar, anak.”

A Kiss To ReminisceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon