❝ Hindi ko maintindihan ang sarili ko
Kung bakit gano'n na lang ang epekto
Sa akin ng nalaman ko tungkol sa 'yo.
Ikaw naman ang nagsabing may gusto;
Hindi naman ako.
Bakit nawala ang gana ko na gawin
Ang mga dapat ko lang namang gawin? ❞
Nang makauwi ako sa bahay no'ng hapon, wala si Mama. Hindi na rin ako nagulat dahil sigurado namang nandoon sa bahay ni Caleb 'yon. Dumeretso na lang ako sa k'warto para magpahinga.I still feel so tired. Sa tuwing naaalala ko lahat ng sinabi ni Klein kaninang lunch break, para akong paulit-ulit na napapagod kahit na wala naman akong ginagawa.
Ilang oras akong nakahiga matapos kong magbihis. Hindi ko man lang hinawakan ang cellphone ko dahil pakiramdam ko, wala akong ganang gumawa ng kahit na ano. Gusto ko lang mahiga at ipikit ang mga mata.
Gusto ko nga rin matulog pero hindi ko naman magawa dahil masyadong disturbed ang utak ko. Ang dami-daming iniisip na hindi naman na dapat isipin!
Nang mag-dinner, tinawag na ako ni Mama para kumain. Tamad na tamad akong sumunod sa kan'ya sa baba para kumain kami nang sabay. Nagdasal kami sandali bago nagsimulang kumain.
"Tumawag ang papa mo kanina, tinatanong ka. Akala ko natutulog ka kaya 'yon ang sinabi ko," panimula ni Mama nang magsimula kaming kumain.
"May sasabihin daw ba?" tamad na tanong ko.
"Kukumustahin yata ang pag-aaral mo. Ilang araw na ba kayo hindi nag-uusap?"
Nagkibit-balikat ako bago sumubo ng liempo. "Hindi ko nasasagot ang tawag niya, medyo busy ngayon, eh. Pinaliwanag ko naman sa kan'ya."
Tumango si Mama at hindi na nagsalita. Tahimik na lang kaming kumain.
Sa bawat pagsubo ko, hindi pa rin maaalis sa aking maalala ang mga nangyari kanina sa cafeteria at ang mga narinig ko. Kaya naman napapabuntonghininga na lang ako nang wala sa loob.
"May problema ka ba?"
Napaangat ako ng tingin kay Mama. Nakita kong seryoso siyang nakatingin sa akin.
"H-Huh?"
"Ikaw. May problema ka ba? Bakit ba nakasimangot ka at napapabuntonghininga? May problema ba sa school n'yo?"
Napaawang ang bibig ko nang dahil do'n. Ngumiti ako sa kan'ya bago itinuloy ang pagkain.
"Pagod lang ako, Mama."
BINABASA MO ANG
A Kiss To Reminisce
Novela Juvenil|| second installment of "habit series" || Solari Dominguez has a habit of biting her fingernails, especially at the times that she's nervous or guilty. It was a normal mannerism for everyone, not until Justine Klein Olivarez kissed her one day when...