Chapter 59

133 5 1
                                    

   

   

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

   

Tinitigan ko ang cellphone na kanina pa tumutunog. Isang pangalan lang ang lumalabas mula sa caller ID magmula kanina. Lahat ng tawag na natatanggap ko sa buong araw, galing kay Trevor. May mga text din galing kay Destinee pero karamihan, galing din kay Trevor ang mga nare-receive kong messages.

Is it so bad to not attend a class just for today? Ngayon lang naman ako um-absent nang walang magandang dahilan na baon. Was that too much?

Nagbuntonghininga ako bago sinagot ang tawag.

"Solari . . ." he said on the other line with his panicking voice.

I sighed. "Hmm?"

"Where are you? Bakit hindi ka pumasok?" He paused. "A-Are you alright?"

Inikot ko ang kinalulugaran ko ngayon. Pinanood ko ang mga turista na magkarera gamit ang kani-kanilang go-kart habang may mga camera na nasa harap nila. Napangiti ako nang bahagya nang maalala na naging masaya rin naman kami ni Klein dito pero dahil sa nangyari kanina, pakiramdam ko, hindi na mauulit 'yon.

"Nasa Kart City ako."

He sighed. "P-Pupunta ako. D'yan ka lang, ha?"

Hindi na ako sumagot pa. Pinatay ko na lang ang tawag nang magpaalam siya. Umalis na ako sa Kart Racing Park at pumasok sa The Game Room para manood na lang ng nagbibilyar sa loob. Hapon na rin naman kaya bumili na rin ako ng maiinom ko habang naghihintay kay Trevor. Naupo ako sa high chair at tahimik na nanood ng mga naglalaro.

Most of the people inside this place were men. Mukhang magbabarkada dahil para silang magkakaedad. They were betting blue bills for every game and I couldn't understand a thing about it.

Nakatatlong game na sila nang mapalingon ako sa pumasok sa lugar. There was Trevor, panting and looking worried as he stared at me. He took a deep breath before walking towards me. He sat on the high chair beside me.

"Hi."

I smiled. "You really didn't have to come here."

He sighed. "I'm worried."

I chuckled. "Trevor, I'm 20. You don't have to worry about me too much. I'm alright. I just want a break."

Hindi na siya nagtanong pa ulit ng tungkol do'n. Naririnig ko na lang ang mga buntonghininga niya na para bang napagod siya sa buong maghapon at ngayon lang nakapagpahinga.

"N-Nasaan ka pala kanina?" he asked.

I shrugged. "I was just roaming around. Ang tagal magbukas nitong KCT, eh."

He nodded slightly. "Then . . . bakit hindi ka pumasok?"

Lumingon ako sa kan'ya saka bahagyang tumawa. "I told you, I need a break."

"Break from school?"

I smiled before looking at the people playing billiards once again. "Break from everything."

A Kiss To ReminisceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon