Chapter 16

129 5 0
                                    

❝ Ang babaw na ng mga dahilan

Ng pagiging masaya ko dahil sa ’yo.

Tama pa ba ’to?

Kasi sa pagkakatanda ko . . .

Ayaw ko sa ’yo. ❞
 

Nang matapos akong kumain noong gabing ’yon, dumating si Mama habang hinuhugasan ko ang mga pinagkainan ko

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Nang matapos akong kumain noong gabing ’yon, dumating si Mama habang hinuhugasan ko ang mga pinagkainan ko. 

“Akala ko’y doon ka na kakain kaya sumabay ako doon sa pinsan mo. Nag-iwan din ako ng pagkain dito para sigurado,” paliwanag niya matapos ipaalam na nakauwi na siya.

Hindi na ako nagsalita pa. Tinapos ko na lang ang paghuhugas ng pinggan at paglilinis sa kusina bago umakyat papunta sa k’warto ko. Ni-lock ko ang pinto at pinatay ang ilaw, saka ibinagsak ang katawan sa kama.

Si Mama na nga lang ang kasama sa bahay, inaagaw pa ng Caleb na ’yon.

Nang sumunod na araw, inabala ko na lang ang sarili ko sa paggawa ng PowerPoint presentation para ready na ang lahat kapag nag-defense kami. Alam ko na dapat ginagawa ko 'to kapag magkasama kami ni Klein para nakakapagsabi siya ng mga dapat kong gawin at hindi pero ayaw ko kasing tumanga at sayangin ang oras ko ngayon.

Gusto kong maging abala nang hindi ko masyadong maramdaman ulit yung mga naramdaman ko kagabi.

Sa kalagitnaan ng paggawa ko ng PowerPoint presentation, narinig ko ang pag-vibrate ng cellphone ko sa side table, dahilan para mapalingon ako ro'n. Napabuntonghininga ako bago ibinalik ang tingin sa monitor at itinuloy ang ginagawa.

Simula kagabi, text nang text si Klein sa akin at nagtatanong kung nakauwi ba ako nang maayos. Hanggang kaninang umaga, nagti-text siya sa akin. I really have no energy to reply to his texts. I have no energy to talk to anyone. Magkikita naman kami bukas so malalaman niyang safe na ako nakauwi.

Buong araw akong hindi lumabas ng bahay. Buong araw kong inabala ang sarili ko sa home works na hindi pa naman deadline.

Buong araw kong kinalimutan ang sama ng loob ko sa nanay ko dahil alam kong mali 'to. She's my mom. I shouldn't feel this way for her.

Nang maghahapunan na, tinawag na ako ni Mama.

“Solari, halika kumain na tayo,” sabi niya pagkabukas ng pinto ng k’warto ko.

Lumingon ako sa kan’ya. “Sige po, sunod ako.”

Tumango siya bago umalis. Ibinalik ko ang atensyon sa monitor at ni-save ang mga tinrabaho ko bago tumayo at bumaba.

Nang makarating ako sa dining area, nakita ko na nakahanda na ang mga pagkain at plato. Hinihintay na lang ako ni Mama. Napalunok pa ako bago hinila ang upuan sa kanan niya saka naupo.

A Kiss To ReminisceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon