Chapter 15

156 5 0
                                    

❝ Sa bawat paglipas ng mga araw

Na ikaw ay nakakasama ko

Dumarami ang nalalaman ko tungkol sa ’yo.

At dumarami rin ang mga dahilan ko

Kung bakit nararamdaman  ko ang mga ’to. ❞

   Sinuklay ko ang buhok gamit ang mga daliri ng kamay ko, saka itinali gamit ang ponytail na nasa braso ko lang palagi

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

  
Sinuklay ko ang buhok gamit ang mga daliri ng kamay ko, saka itinali gamit ang ponytail na nasa braso ko lang palagi.

Tapusin ko na nga itong isang tula na assignment ko kahit na hindi pa naman deadline! Sayang kasi ang oras ngayong vacant subject namin. Hindi na rin kasi ako sumama sa mga kaklase ko na kumain sa labas dahil ang init-init! Nakakatamad!

Nagsimula na akong mag-type sa laptop ko habang may nakabarang earphone sa magkabilang tainga. I know that library is a quiet place pero mayroon kasing iba na maingay mag-review! ’Yung parang bubuyog na bumubulong-bulong. Nakakairita kaya ’yon!

Habang nag-iisip ng idudugtong sa unang stanza na nagawa ko para sa isang tula na hindi ko naman kayang lagyan ng tamang sukat, napatigil ako dahil sa tumutugtog ngayon sa Spotify ko.

Breathe deep, breathe clear
Know that I'm here, know that I'm here
Waiting
Stay strong, stay gold
You don't have to fear, you don't have to fear
Waiting
I'll see you soon, I'll see you soon . . .

Napabuntonghininga ako bago itinuloy na ang pagtitipa sa laptop.

Ano naman kung siya ang sa kan’ya ko narinig ang kanta na ’to? Hindi naman siguro bawal pakinggan. Hindi naman siya ang nagmamay-ari ng kanta na ’to! Nagkataon lang na alam niya ang title at natatandaan niya kung saan ito kanta!

How could a heart like yours ever love a heart like mine?
How could I live before?
How could I have been so blind?
You opened up my eyes
You opened up my eyes . . .

Sa kalagitnaan ng pagta-type ko, napalingon ako sa kapapasok lang ng library. Napalunok ako bago inayos ang suot na salamin kasabay ng pag-upo ko nang maayos.

Argh! Hindi naman ito ang unang beses na magsasama kayo sa loob ng library na ’to, Solari! Bakit ba tense na tense ka pa rin? Normal lang naman na magkita kayo d’yan dahil sa iisang university lang kayo nag-aaral!

Patago akong sumulyap kay Klein. Nakita kong umupo siya sa table na hindi masyadong malayo sa akin. Magkaharap kami ngayon kahit na tatlong table yata ang pagitan namin.

Nag-angat siya ng tingin sa akin bago binuksan ang laptop, dahilan para maibalik ko ang tingin sa screen ng laptop ko.

Napanguso ako habang binabasa ang tula na ginawa ko. This is about Eureka and Gilbert. Sila ang ginawa kong inspiration para sa homework ko dahil ang kailangan kong gawin na tula ay tungkol sa isang taong nagmamahal.

A Kiss To ReminisceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon