❝ Ganito pala ang pakiramdam
Ng unti-unti ka nang binibitiwan;
Ng unti-unti kang pinakakawalan at hinahayaan.
Ayaw kong maramdaman ito sa ’yo.
Ayaw kong maramdaman natin sa isa't isa ito
Kaya sana . . . sa akin . . . ’wag na ’wag kang lalayo. ❞
Nang matapos na nga ang birthday ko, a week after, nagpatuloy na kami sa pag-survey sa junior department para sa research namin tuwing may free time kami.Tulad ngayong katatapos lang namin kumain ng lunch. Nagpunta kami sa junior department kahit na sobrang tirik na tirik ang araw para tapusin na ang survey at makapag-tally na, tutal kaunti na lang naman.
Klein's always worrying about me dahil masyadong mainit ang sikat ng araw ngayong tanghaling-tapat. Sobrang hapdi sa balat at talagang tumatagaktak ang pawis namin sa paglalakad!
Mabuti na lang talaga, very cooperative ang mga nahahanap naming estudyante dahil sinasagutan talaga nila nang mabuti, hindi tulad ng reklamo ni Eureka na tinatanggihan at nilalampasan daw sila kapag tinatanong nila kung pwedeng pagsagutin ng form.
"Okay na 'to, tara na, love," he said after organizing all the questionnaires where the respondents put their answers.
Lumapit pa siya sa akin para punasan ang noo at leeg ko ng pawis bago kami naglakad paalis ng department. Kung bakit ba naman kasi sobrang open area ng daan papunta dito! Grabe, pawis na pawis kaagad kami, hindi pa man nakakapasok sa senior department!
Bumalik na kami sa classroom para ibaba ang mga gamit namin. Pagkatapos, lumabas ulit si Klein para magyosi habang ako naman ay pumunta ng CR para mag-ayos. Masyado akong na-haggard sa pagsa-survey!
Nauna akong nakabalik kay Klein, as usual. Akala ko nga mali-late pa siya. Mabuti, umabot siya sa classroom five minutes bago mag-ring ang bell. Then the class for the afternoon started.
☀️
Sa tuwing nagkakaroon kami ni Klein ng usad sa research, nag-chi-chill kami pareho sa sari-sarili naming buhay. Siya, naglalaro at nag-iinom sa kanila, habang ako naman, pinag-aaralang laruin ang League Of Legends.
Hindi niya pa rin nakikita hanggang ngayon dahil hindi ko naman inilagay sa lugar kung saan makikita niya na d-in-ownload ko 'yon. Hindi ko alam kung bakit parang nahihiya akong malaman niya na sinusubukan kong aralin ang laro na gusto niya.
Baka isipin naman . . . masyado akong patay na patay sa kan'ya. Duh!
I mean, okay lang naman kung iisipin niya 'yon. Pero palagi kong iniisip yung sasabihin ng mga tao once malaman nila itong mga ginagawa ko para sa kan'ya.
BINABASA MO ANG
A Kiss To Reminisce
Teen Fiction|| second installment of "habit series" || Solari Dominguez has a habit of biting her fingernails, especially at the times that she's nervous or guilty. It was a normal mannerism for everyone, not until Justine Klein Olivarez kissed her one day when...