Friday came, I brought the ring inside its velvet to the school. Dinala ko rin yung ibang mga bagay na ibinigay niya sa akin, kasama na ang biniling dress at sandals ni Ate Valene para sa akin. Hindi ako sigurado kung papasok siya kasi last week, wala naman siya. Ibang tao lang din ang nagpasa ng weekly report niya.
Pagkarating ko sa campus, wala naman siya sa smoking area. Tiningnan ko ang oras sa suot kong wristwatch. Maaga pa naman. Siguro naman, this time, papasok na siya. Third streak na niyang absent if ever.
Nang makarating sa loob ng classroom, maingay ulit ang mga kaklase ko tulad ng palagi kong naaabutan tuwing Biyernes dahil siguro miss nila ang isa’t isa. Magkakahiwalay na rin kasi sila ng company.
“Solari!”
Ngumiti ako kay Eureka bago naglakad at naupo sa tabi niya.
“Ano ’yang dala mo?” she asked.
Ipinakita ko sa kan'ya ang loob ng paper bag. “Ito yung mga ibinigay sa akin ni Klein, pati mga ibinigay ng family niya. Isosoli ko lang sana.”
Sumimangot siya kasabay ng pagkuha ng velvet box sa loob. Binuksan niya ’yon at tumambad ang singsing na minsang nagprotekta sa akin sa sarili kong kamay.
“Sayang! Hay, nako!” Ibinalik na niya sa loob ng paper bag ang velvet box. “Ibigay mo sa pribadong lugar para hindi naman siya masyadong mahiya kung may makakita sa kan’ya.”
Tumango ako. “Sana nga pumasok, ’di ba?” I chuckled.
Nagkaroon kami ng kwentuhan kasama ang iba naming mga kaklase, hanggang sa pumasok na ang OJT Coordinator dahil ngayong oras ay kami ang hawak niya. Hindi ko nga alam bakit kailangan pa naming pumasok dito kung isang oras lang din naman ang itatagal namin.
May mga pinaliwanag siya tungkol sa mga estudyante na mukhang magtatagal pa sa work immersion sa dami ng absences.
“Olivarez! Sino ’to?”
Dahil ABM ang hawak ng OJT Coordinator, hindi niya rin kami kilala lahat. Tinatawag niya lang ang mga estudyante na ayon sa DTR, maraming late at absent, tapos hihingian ng paliwanag at letter.
“Nand’yan na po, ma’am.”
Napalingon kaming lahat sa kapapasok lang na si Klein. Nakatitig siya sa akin, dahilan para mapaiwas ako ng tingin kasabay ng paglunok.
Sa maikling segundo, nakita ko kung gaano kalaki ang ipinayat niya, inihaba ng bigote at buhok niya. Parang pagod pa rin ang itsura niya tulad noon--mas nga lang ngayon.
Narinig ko ang paglalakad niya. Pilit kong pinigilan ang sarili ko sa paglingon dahil ayaw ko na sana ulit makita ang ganoong tingin niya. Hanggang sa narinig ko na ang pag-upo niya. Ang layo na niya sa akin pero ramdam na ramdam ko pa rin ang mga titig niya.
BINABASA MO ANG
A Kiss To Reminisce
Teen Fiction|| second installment of "habit series" || Solari Dominguez has a habit of biting her fingernails, especially at the times that she's nervous or guilty. It was a normal mannerism for everyone, not until Justine Klein Olivarez kissed her one day when...