Moren
"In your dreams," si Ross bago isuot ang sapatos niya.
"Hindi rin naman kita type, noh!" singhal ko sa kaniya. Pumunta ako sa likuran ng lalaki para tusukin ang likuran ng tuhod niya gamit ang tuhod ko. It bended like a stick. "Ayy, gutom," mapang-asar kong sabi bago tumakbo.
Narinig ko ang mahangin niyang buntong hininga sa inis. Masaya talaga ang araw ko sa tuwing naasar ko siya. Araw-araw naman siyang asar, kaya araw-araw din akong masaya.
Ako ang kauna-unahang nakapunta sa classroom, sumunod si Ross na masama ang tingin sa akin at iyong dalawang kulugo, saka lang nagdatingan ang mga kaklase naming pinamulot pa ng tuyong dahon sa quadrangle bago pinabalik sa classroom.
"Pst." Pinaswitan ko si Ace na may kinukutkot sa bag. Magkatabi sila ni Abcd kaya magkaharap ang dalawa para itago ang pinagkakaabalahan. "Pahingi." Inilahad ko ang kamay para imostra ang gustong iparating.
Kapag talaga sa dalawang 'to, walang pinagkaiba ang breakfast sa lunch. Wala pa man kaming nakaklase ay kumakain na.
"Ngumanga ka." Nabasa ko ang sinabi ni Abcd kaya sumunod ako. Ang tagal nila akong tinignan habang nakanganga para lang pagtawanan. Bad trip kong itinikom ang bibig at handa na silang batuhin ng libro.
"Ito na," Abcd said before throwing a whole bunch of grapes to me. Lumapat sa mukha ko ang prutas. Humahalakhak sa saya ang dalawa.
Kanina lang, kakontiyaba ko sila kay Ross. Ngayon ay ako naman ang trip nila. Nilingon ko si Ross na nasa pinakalikod na row. Kinain ko ang ubas na parang sarap na sarap at nang-aasar siyang inalok. I stuck my tongue out before laughing at my own actions.
He sneered at me. Pumunit siya ng papel sa notebook ng katabi, nilukot at ibinato sa akin, siya namang pag-iwas ko doon. Masiyadong malakas ang pagbato niya dahilan para makarating sa harap ang papel at tamaan ang kararating lang na guro.
Tumalim ang mata ni Ma'am Clara sa gawi nila Ross. Pinulot niya ang lukot na papel bago ibinaba sa lamesa sa harapan ang mga gamit na dala.
Nakagat ko ang dulo ng daliri. Dahan-dahan kong nilingon si Ross sa likuran na bakas ang kaba sa mukha. Ginalaw ko ang hintururo. "Lagot ka." I stopped myself from laughing.
He raised his ring finger as if he was giving me a bad finger in a gentlemen's way.
Hindi na mapakali si Vincent na katabi niya dahil sa notebook niya iyon nanggaling. "Kapag tinanong ni Ma'am, hindi sa 'kin 'yon, ha. Ituturo kita." Balisa na ang lalaki. Itinago niya pa ang notebook sa takot na mapagalitan ng guro.
"Uling ka ba?" Nagsimulang magsalita ang guro kaya natahimik kaming lahat.
"Kasi kanina sa 'kin nagbabaga ka."Nagpigil ng tawa ang buong klase sa pare parehong dahilan. Lumukot naman ang noo ni Ma'am Clara at tumingin kay Ross. "Ano ito, Mr. Cervantes?"
"Hindi po sa 'kin 'yan, Ma'am." Sa kaba at hiya ni Vincent ay siya ang sumagot kahit hindi naman siya ang tinatanong.
"Sorbetes ka ba? Kasi gusto mong dinidilaan ka." She grimaced before looking back at Ross.
Nagkamot ng batok si Ross, walang salitang maidahilan kaya nagpatuloy sa pagbabasa ang guro.
"Palay ka ba? Kasi gusto mong binabayo kita?!" Tuluyang nanlaki ang mata ng guro. "Chicharon ka ba? Kasi ang ingay mo 'pag kinakain ka!"
Hindi na napigilan ng buong klase ang kanina pang itinatagong galak. Umusbong ang tawanan na nagsimula kay Ace kaya nadamay kaming lahat. Everyone knows the song, but Ma'am Clara.
"Anong kalokohan ito, Mr. Cervantes? Care to explain?"
"Ma'am, it's not actually mine." Tumayo si Ross at itinuro ang tuwang-tuwa na si Abcd. Naputol ang masasayang segundo niya sa susunod na sinabi ni Ross. "It's a poem made by our very own journalist here, Adrien Bryan Cooper Diaz." Binuo niya talaga ang pangalan ng kaibigan.
YOU ARE READING
Eight Words Love Story
RomanceOne of the boys, Alfredalae Moren Zamora, stands as an image of a beautiful lady with a heart of a man: tough, resilient, and brave-just like her father, whom she's living with alone. After her sister died of cancer and her mother left for another f...