Chapter 5

51.4K 1.8K 900
                                    

"Para kanino?"

Naibaba ko ang cellphone sa hita sa gulat nang biglang sumulpot si Papa sa likuran ko. Ipinakita ko rin sa kaniya ang ginagawa dahil ayaw kong pagdudahan niya ako.

"Kay Ross," sagot ko.

I'm looking for a gift for him online. His birthday is coming in six weeks and I haven't thought what to give him yet. Lagi na lang kasing kapag birthday ko ay may regalo siya. Kapag birthday niya, presence ko ang katwiran ko. Twenty na siya, nakakahiya naman kung hanggang ngayon presence pa rin ang regalo ko.

"May napili ka na bang ibigay?"

"Wala pa po. Parang lahat naman kasi meron siya." Ngumuso ako at nagscroll pa.

"Mabait ang batang 'yon. Magugustuhan ni Ross ang kahit anong ibigay mo sa kaniya. Huwag mo masiyadong problemahin."

Hindi ko pansin ang sinasabi ni Papa dahil napunta ako sa shop ng mga sapatos. Nakakita ako ng sa tingin ko ay magugustuhan ni Ross. Ang kaso lang mahal.

"May pakpak ba 'tong sapatos na 'to? Dadalhin ka sa tamang tao, gano'n?" I hissed. Padabog kong isinandal ang likuran ko sa sofa.

Mahinang natawa si Papa. "Hindi kaya kusang naglalakad?"

Inilahad ko ang mga daliri at nagsimulang magbilang ng araw. I have forty-two days before Ross' birthday. Gusto kong bilhin 'yung sapatos pero aabot ba iyon kung mag-iipon ako?

Pwede naman akong mangutang sa kaniya. Tokwa! Uutangin ko 'yung ipambibili ko ng gift sa kaniya? Not a good idea.

Mag-part time job kaya ako? Ilang weeks lang naman.

Tatango-tango kong kinokompyut ang maaari kong maipon kung kikita ako atleast two hundred pesos a day. "Puwede."

Masiyado akong abala sa iniisip kaya hindi ko ramdam ang mariing titig ni Papa sa akin kanina. Tinaasan ko siya ng kilay.

"Bakit ka ganiyan makatingin, Pa?"

"Gusto ko lang malaman," aniya. "Ano ba kayo ni Ross?"

Nagsalubong ang dalawang kilay ko. "Magkaibigan."

Tumango siyang may ngisi sa labi. He doesn't look convinced with my answer kaya naningkit ang mata ko.

"Ano po bang akala niyo?"

"Magkaibigan rin kami ni Yen noon."

"And?"

"Wala naman," nakangiti niyang saad. "Pumasok ka na at baka mahuli ka sa klase."

I cursed when I realized I lost count of minutes. Mabilis akong tumayo at kinuha ang bag sa gilid. Humalik ako kay Papa. "Bye, Pa. See you later."

Naihanda ko naman na ang mga pagkain niya at napalitan ko na rin ng damit. Inakay ko ang motor ko palabas ng gate namin. Mabagal ang patakbo ko noong una. Bubusina sana ako nang marating ang tapat ng bahay nila Ross pero wala na ang sasakyan niya.

"Himala, ang aga niyang wala."

Mag-isa akong pumasok. Para lang makita ang sasakyan niyang nakaparada na nga. Nandito na rin si Franz. Ang dalawang mokong ay mukhang wala pa.

Pumunta ako ng classroom para ibaba ang bag ko at makita si Ross. "Pumasok na si Ross?" I asked one of our classmates.

"May morning date."

Saan naman kaya?

I pouted and sat on my seat. Nainip ako kaya naisipan kong mag-ikot muna sa school. Kinuha ko ang phone ko at isinaksak ang earphones para mag-sound trip. Lumabas ako ng room. Makakatulog ako kung mananatili ako sa loob. Ang tahimik nila.

Eight Words Love StoryWhere stories live. Discover now