Sinabayan ng tunog ng pagtakbo ng kabayo ang ingay ng hangin na taliwas ang ihip.
Lumipas na ang pag-ulan. Kagabi pa lang ay tumila na ito, napagod sa ilang araw na pag-iyak ang mga ulap.
Sakay ako ng isang kalesa palayo sa isla. Walang ibang masasakyan kung hindi ito. Ihahatid ako ng kalesa sa bayan kung saan naroroon ang paliparan. Uuwi na ako.
Sariwa pa rin sa isip ko ang nangyari kahapon. At nasa proseso pa rin ako ng pagtanggap na bumalik siyang naaalala ako.
I just realized I'm too desperate to get rid of him that I didn't even apologize for what I did. I don't deserve his love. Ever since.
Tinignan ko ang hawak na bracelet at ngumiti. Magiging parte pa rin naman siya ng nakaraan ko. Pero hindi na ng bukas.
Kawangis ng araw sa buwan, ng umaga sa gabi at ng simula sa wakas, may mga bagay na hindi kailanman maaaring ipilit na magtagpo. Hindi tulad ng mga metapora, na ang dalawang bagay na lubusang magkaiba ay pilit na pinagsasama at pinagkukumpara para makabuo ng ideya. Hindi kami nararapat sa isa't-isa.
Maybe there's no place such sky meet the sea. Laging may espasyo, may naghihiwalay. Masiyadong mataas ang mga ulap para maabot ng alon. At masiyadong mababa ang tubig para maabot ang langit.
Nothing meets the sky. When we reach the line, it is pushed further. You can go on chasing it forever but will you be able to? It's always seen but not reached. That's how it is destined to be.
Lumipad ako ng Maynila para bumalik sa lumang bahay namin. Kung bakit kaunti lang ang dala kong gamit pero ang bigat ng dinadala ko.
The place changed so much like how I did. Mas marami na ang bahay at nagtataasan. Napag-iwanan na ang bahay ni Papa. Mukhang umaasenso na rin ang lugar. Nadagdagan ang mga street lights sa paligid, hindi katulad noon na bawat sampung bahay ay isa lang.
Kasabay ng pag-usbong ng komunidad ay ang pagdami ng mga bata sa amin. Nilagpasan ko ang mga batang naghahabulan. Hindi nila ako alintana, pero may isang batang babae ang kanina pa tumitingin sa akin, tila kinikilala ako.
Binubuksan ko ang gate namin nang lumingon ako sa kaniya at ngumiti. Nakumpirma kong may gusto itong sabihin nang lumapit siya sa akin. Hindi muna ako pumasok.
"Hello. Anong pangalan mo?" Lumiit ang boses ko.
"Ako po si Perla. Kayo po ba si Ate Moren?"
Ikinagulat kong alam niya ang pangalan ko. Umupo ako para pantayan ang taas ng batang babae.
"Paano mo nalaman ang pangalan ko?"
Ngumiti siya. May bungi ito kaya ako marahang natawa. Ang cute niya.
"Ikaw nga!" she exclaimed. Para bang ang tagal na niya akong hinihintay umuwi. "Sandali lang po, may kukuhanin po ako."
Tumakbo siya para bumalik sa tapat ng bahay nila. Pagbalik niya ay may dala itong isang piraso ng puting rosas. Ibinigay niya ang bulaklak sa akin.
"Para sa 'kin 'to?" Nag-init ang puso ko.
Tumango siya. "Opo. Pero hindi po 'yan galing sa 'kin."
Kumunot ang noo sa pagtataka. "Kanino?"
"Hindi ko po kilala, eh. Basta maputi siya." Sinalat niya ang balat. "Tapos matangkad at mabait," inosente niyang paglalahad.
"Tuwing Sunday po ay pupumunta siya rito. Binibigyan niya ako ng flower at sabi po niya kapag bumalik ka, ibigay ko sa 'yo." Malapad siyang ngumiti.
"Paano kung hindi ako bumalik?"
"Sa akin na po ang mga bulaklak." She chuckled. "Pero sabi niya po, babalik ka. Hindi niya lang po alam kung kailan."
YOU ARE READING
Eight Words Love Story
RomanceOne of the boys, Alfredalae Moren Zamora, stands as an image of a beautiful lady with a heart of a man: tough, resilient, and brave-just like her father, whom she's living with alone. After her sister died of cancer and her mother left for another f...