The feeling of wasted efforts. Iyon ang nararamdaman ko ngayon. All the sleepless nights I had just to buy him a gift and the restless days to make sure he won't notice.
Para akong natalo sa larong ang tagal kong pinaghandaan nang galit na umalis si Ross. Wala kaming imik lahat. The house feels empty and sad.
Nakatulala lang ako sa sahig, dinadamdam ang mga salitang binitawan ni Ross kanina.
He was right. It was too childish. Ganoon siguro talaga, kung kailan nakagawa na tayo ng mali, saka lang tayo matatauhan.
"Malambot na 'yung lumpia." Nakasimangot na ngumuya si Ace.
May sindi pa rin ang mauupos na na kandila. I blew it to kill the fire. Kumuha ako ng kutsara at kumain ng cake. Pumait sa panlasa ko kahit ang chocolate icing.
"I told you it's not a good idea. Ross has a point."
Nilingon ko si Franz at mas inginuso ang labi ko. Mas pinabibigat lang niya ang nararamdaman ko.
"Oo na, kasalanan ko." Sumubo ako ng isang malaking tinapay.
"Me too." Nakisubo si Adrien sa kinakain ko.
"Me too," si Ace.
Nagtinginan kami kay Franz. "Kasalanan natin," he said.
Parang dinaanan ng bagyo ang buong bahay. Nakakainis lang dahil pinakiusapan ko pa sila Tita na kung maaari ay lumabas muna sila at mamaya na umuwi para lang masorpresa si Ross.
Naiinis ako pero kasalanan ko rin naman kaya wala akong karapatan magalit kay Ross.
"Anong plano natin ngayon?" Ace looked at me.
My lips puckered and scrutinized the whole living room. "Iligpit ang kalat at umuwi na."
"We won't wait for Ross?"
Umiling ako. "Kilala ko 'yon. Kapag galit, hindi mo makakausap."
Bumuntong-hininga si Ace. "Sayang naman, babes."
Kung meron man akong natutunan sa nangyari, iyon ay ang batiin na lang ng happy birthday si Ross next year.
Limang oras naming inayusan ang living room nila. Wala pang isang oras naming niligpit lahat ng kalat. Pinutok ko rin lahat ng mga lobong hinipan ko. At kaniya-kaniya kami ng uwi ng mga pagkaing binili.
Iniwan namin sa bahay nila ang mga regalo. Umuwi kaming bigo sa plano.
"Ang tanga mo, Moren."
Pinagsasampal ko ang pisngi. Inilapat ko ang likuran sa kama at inabot ang cellphone sa maliit na lamesa. I texted Ross, apologizing.
Kinabukasan at nang mga sumunod pang araw ay mailap sa amin si Ross, lalo na sa akin. He still hanged out with us pero dinaig niya pa si Franz sa sobrang tahimik.
Nakakonsensiya dahil hindi sila ayos ni Celine. It seems like the damage I've made is bigger than what I imagined.
Hindi kami ang tipo ng magkakaibigan na hahayaang lumipas ang isang araw na may hindi pagkakaintindihan kaya ako na ang nagpakumbabang humingi ng tawad. Ako naman talaga ang responsable sa nangyari.
Pumunta kaming school court para maglaro ng basketball bago umuwi. Halatang may kinikimkim na sama ng loob si Ross sa akin. Bantay-sarado niya ako, hindi tuloy ako nakapuntos.
Nang ipasa sa akin ni Adrien ang bola ay akala ko hahayaan niya akong maipasok ito sa ring ang, tumalon pa siya last minute para hindi ako magtagumpay.
"Ross, sorry na kasi!" Nag-echo ang boses ko sa loob ng court.
Nagpatuloy siya sa pagdi-dribble ng bola at hindi ako pinansin.
YOU ARE READING
Eight Words Love Story
RomanceOne of the boys, Alfredalae Moren Zamora, stands as an image of a beautiful lady with a heart of a man: tough, resilient, and brave-just like her father, whom she's living with alone. After her sister died of cancer and her mother left for another f...