Natulala ako sa mukha niya. Hindi ko alam kung anong responde ang gagawin ko. Kung tatalikod ba, luluhod, aalis na o hihintayin siyang tawagin akong muli sa pangalan ko?
It's the same Ross but why does it seem like he changed a lot?
"Would you mind getting your hat from me? You're standing in my way," malamig na sabi ng lalaki.
Sinampal ako ng katinuan. Nanlamig ang mga palad ko nang mapagtantong kaya niya nakuha ang pangalan ko ay dahil nasulyapan niya ang nametag sa kaliwang dibdib.
"A-Ah, sorry, S-Sir." I don't really know how to react or what to say. Gumilid na lang akong nakayuko pagkatapos makuha ang balanggot sa kaniya.
He heaved a sigh and walked away. Nilagpasan niya ako. Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa reyalisasyon.
Hindi ako umasang sa muli naming pagkikita ay masaya niya akong sasalubungin. Pero hindi ko rin naisip na magtatagpo ang landas namin at hindi niya pa rin ako maaalala.
Sa isang pikit-mata, the person with whom I'm shared years of my life has turned into a stranger who doesn't even know my name.
Naestatwa ako sa kinatatayuan. Samantalang sa bawat segundo ay palayo nang palayo ang lalaki. Sinalubong ito ni Fritz at kinulit.
"Welcome to Desastre Hermoso, Sir! Do you need help? My name is Fritz. I can be your tour guide slash assistant, oh 'di ba! Saan ka pa?"
Hindi siya pinapansin ng lalaki ngunit patuloy lamang ito sa pagsunod sa kaniya katulad ng ginagawa naming page-ntertain sa mga turista.
Ako dapat ang gumawa noon kanina pero hanggang ngayon ay ipinoproseso ko pa rin ang katotohanang narito si Ross. Bigla kong naisip mag-request ng leave o magresign.
Kagat ang labi ay sumunod ako sa kanila. Out of nowhere, lumabas si Ma'am Vida. Halos patalon itong naglakad nang makita ang lalaki.
"Captain Cervantes," she exclaimed.
Nahinto akong muli sa paglalakad. May lalaking nanggaling mula sa likuran ko at hila ang maleta. Napalihis ako para bigyan ng daan ang isa pa.
"Mrs. Vida," si Ross.
"Your room is already ready, Sir. It's huge and spacious as you requested. Tanaw mo rin ang kabuuan ng dagat mula sa loob. Would you want to see it now?" tanong ng babae.
"Of course," si Ross sa mababang tono. "I want to take a short rest before walking around."
Sabay na naglakad palayo si Ma'am Vida at Ross. Naiwan namang nakangiti si Fritz at Agusta habang pinapanood ang likuran nila.
I spaced out. He will stay here? Gaano katagal? Hanggang kailan? At bakit sa dami ng pwede niyang puntahan, dito pa?
"Omg! Kita mo 'yon? Kito mo 'yon, sis?! Ang mahal!" Kinuyog ako ng dalawa.
"Totoo nga ang tsismis! Noong nakaraang linggo ko pa naririnig sa mga hotel staff na may Fafa tayong VIP! Sana nakinig ako para rebonded na si akla," si Agusta.
Sinabunutan ni Fritz ang maikling buhok ng lalaki. "Anong irerebond mo, akla?! Bulbol?" prangkang tanong nito.
"Si akla! Pasmado ang bunganga."
I can't keep up with their jokes. Kung sa kanila, blessing ang pagdating ni Ross. Sa akin, hindi. Anong VIP? Paano ako makapagtatrabaho nang maayos kung nasa iisang isla kami?
"S-Sino raw ba 'yon," usyoso ko na animo'y hindi ko kilala ang lalaki.
"Captain Cervantes ang narinig kong tawag ni Madame Vida," si Agusta.
YOU ARE READING
Eight Words Love Story
RomanceOne of the boys, Alfredalae Moren Zamora, stands as an image of a beautiful lady with a heart of a man: tough, resilient, and brave-just like her father, whom she's living with alone. After her sister died of cancer and her mother left for another f...