Chapter 17

47.7K 1.5K 898
                                    

"Move now or you'll run your way to school."

Nakalaylay sa dulo ng kama ang kamay kong hawak ang cellphone. I purposely didn't set an alarm dahil malaki ang tiwala ko sa sariling magigising ako nang maaga. I'm a clown.

"Hintayin mo 'ko," ani ko kay Ross sa inaantok pang boses.

"We'll leave at seven a.m. Kapag dumaan ako riyan at hindi ka pa nakagayak, iiwanan kita."

Kasabay ng pagbaba niya ng tawag ay ang pagbagsak ng cellphone ko sa sahig. Tulog pa ang diwa ko at ayaw akong pakawalan ng kama ko. My father kept me awake till midnight. Hindi ako nakatulog nang mabuti kung kailan ko kailangan mismo ng pahinga.

It's quarter to six and we have to be in school before seven. Para raw maaga kaming makarating sa school sa kabilang bayan sabi ni coach. Today is the day. Dadayo kami sa ibang eksuwelahan at doon maglalaban ang mga school mula sa iba't-ibang district. This is the competition every school player is looking forward to.

Pikit-mata kong pinilit na humiwalay sa kama ko. Tumayo ako at kinapa ng paa ang pares ng tsinelas sa sahig. Kinusot ko ang mata, tinignan ang sarili sa salamin bago lumabas ng kuwarto.

Bahagya akong nasilaw sa liwanag na nagmumula sa bukas na pintuan. Kinabahan ako nang makitang bukas 'yon. Mabilis kong pinuntahan si Papa sa kuwarto. Wala siya sa loob kaya dumiretso ako sa labas.

Huminto ako sa doorway nang matanaw ko si Papang nag-iinat ng mga braso sa tapat lang ng gate namin, pinapanood ang pagdaan ng pailan-ilang sasakyan.

Nakahinga ako nang maluwag. Ginagawa na niya 'yon noon pa man pero matagal nang hindi, ngayon na lang ulit.

"Pa, huwag kang lalayo, ah," malakas kong sabi.

Nilingon niya ako kalakip ng isang ngiti. "Good morning, nak."

I gave him nothing but a smile. Bumalik ako sa loob para makaligo na. Dinama ko ang pagbuhos ng tubig sa balat ko. Ginigising ako ng lamig nito. Sapat na 'yon para maiwaksi ang pagod at antok na namumutawi sa akin kanina lang.

Ito ang huling laro ko kaya dapat kong galingan. Kung papalarin man akong makatungtong pa ng kolehiyo, baka itigil ko na ang paglalaro ng volleyball at magpokus na lang sa pag-aaral. 'Yun ay kung mabibigyan ako ng pagkakataon.

Simula noong gabing sabihin sa akin ni Ross ang posibilidad na sa ibang bansa siya mag-aral, araw-araw ko nang ini-imagine ang sarili kong hindi siya kasama. It feels different. And I couldn't be more selfish but I wish he won't leave.

Iyon lang naman ang kaya kong gawin, ang umasa at humiling. All the will and decision is up to him and his family.

Nakapagluto na ako kagabi ng kakainin ni Papa sa maghapon. Ipinainit ko na lang 'yon at nagsaing habang gumagayak. Naghahain pa lang ako sa mesa nang marinig ang busina ng kotse mula sa labas.

"Sandaleee! Nandiyan na."

"Ako na, Moren. Kaya na 'to ni Papa. Nariyan na si Ross, labasin mo na."

"Hayaan mo siyang maghintay, Pa. He can't leave me." I made a face.

Tinapos ko ang paghahanada ng mga pagkain ni Papa. Kinuha ko ang duffle bag sa kuwarto at ipinasok kung saan ang tumbler ko.

"Pa, nagkasundo tayo, ha. Walang maglalaro ng apoy, walang pasaway. Okay?"

"Opo, Mama," natatawa niyang saad. "Galingan mo anak, hihintayin ka ni Papa."

Tumango ako. Humalik ako sa pisngi niya.

"Zamora, you have ten seconds to get inside the car!"

Nagsimulang magbilang si Ross. Isinusuot ko pa sana ang sapatos ko pero sa taranta ay hindi ko na isinuot ang kakabyak. Patalon akong naglakad palabas ng bahay.

Eight Words Love StoryWhere stories live. Discover now