Sabi nila, parte raw ng pagtanda ang pag-iiba-iba ng landas ng magkakaibigan.
Pero hindi ko napaghandaan ang mabilis na pagpilas ng mga pahina ng kalendaryo. Parang noong isang araw lang ay magkakasama pa kaming lima. Now, we've entered the world of early adulthood.
Inaasikaso na ni Ace ang mga documents niya para sa pagpasok sa LMU. Si Abcd ay nag-umpisa na mag-aral para sa pasukan ay handa na siya. He can't fail his parents, dahil malaki ang pressure na nakaatang sa likuran niya bilang anak ng parehong kilalang guro. Si Franz ay nakaalis na rin.
Minsan na lang ulit kaming nagkita na lima pagkatapos ng inuman noong nakaraan. Then we parted ways. Nakakatawa nga, dahil kahit bakas ang lungkot sa bawat-isa, walang umiyak, walang nagpaalam.
Maybe it was some sort of language that all of us understand. Kasi magkikita pa rin naman kami?
Iyon ang hindi ko sigurado.
Inilihim ko sa kanila ang pag-uwi namin ni Papa sa Batangas. Alam kong kapag nalaman nila 'yon, gagawin nila ang lahat para pigilan akong umalis. At baka hindi ko magawang tumanggi ay manatili ako rito.
I don't want them to search for me so I will disappear quietly. They won't notice I'm gone because they will be busy chasing their dreams.
Bukas na aalis sila Ross papunta sa Amerika. Napatagal nga dahil ilang pilit pa ang ginawa sa kaniya para mapapayag ulit. Siya ang dahilan kung bakit nandito pa rin kami ni Papa. Pagkaalis nila, aalis na rin kami.
"Tulungan ka ni Papa, anak." Dinala ni Papa ang sarili niya sa kuwarto kung saan ako nagtitiklop ng mga damit.
"Ang bait naman," puri ko.
Lumala ang pagiging makakalimutin ni Papa. Hindi ko na ikinagugulat ang madalas at biglaan niyang pag-iyak at ang pagiging agresibo. Naubos na ang gamot na binili namin noon. Hindi ako makabili dahil nagtatabi ako para sa pag-uwi namin sa probinsiya.
"Saan tayo pupunta?" tanong niya.
"Sa Batangas, Pa. Sa dagat, maliligo tayo para bumango ka na ulit," biro ko.
"Mas mabaho ka sa 'kin, Moren!" aniya.
I will smile everytime he will get my name right. Dati naman, wala lang iyon sa akin. Pero malaking bagay na ang makilala niya ako.
Tatlong sunod na truck ang narinig kong nagdaan kaya napalingon ako sa bintana. Tanaw ko mula rito ang bahay nila Ross. Abala ang mga tao sa pagbubuhat ng mga gamit. They're moving out. Para raw malapit sa papasukang university ni Flynn.
Ibebenta ang bahay nila. Baka nga sa susunod ay dumating na ang bagong maninirahan doon. Pinag-isipan ko rin kung maganda bang ibenta ko rin ang bahay na 'to. Pero marami akong alaala rito, higit sa lugar na 'to.
I at least want a place where I can reminisce about the old days. Mahalaga ang bahay na 'to kay Papa.
Itinabi ko ang dalawang maleta ng damit at nagligpit ng ilang gamit sa kuwarto. Isasama ko rin ang regalo ni Franz na hanggang ngayon ay hindi ko pa rin nabubuksan. Gusto kong sa mismong kaarawan ko malalaman kung ano ang laman no'n.
Sumapit ang kinabukasan. Naghanda ako para sa pagpunta sa hotel to bid my last see you again to Ross dahil mamaya na ang flight nila. Nakaplano ang pagpunta ko pero hindi na kailangan.
"You're here." I smiled at him. "Future Captain."
Nakatayo siya sa harapan ko, ang dalawang kamay ay nakapaloob sa bulsa ng trouser na suot. Naka-ayos na ang lalaki, handa sa pag-alis niya.
It's like he's just here to ask me to go at their house for a dinner. Para lang niya akong sinusundo dahil papasok na kami o manghihiram ng ballpen dahil nawawala ang sa kaniya, hihingi ng papel para gawin ang assignment. I chuckled at the thought.
YOU ARE READING
Eight Words Love Story
RomanceOne of the boys, Alfredalae Moren Zamora, stands as an image of a beautiful lady with a heart of a man: tough, resilient, and brave-just like her father, whom she's living with alone. After her sister died of cancer and her mother left for another f...