The weather is bright and warm, matayog ang sikat ng araw kaya matingkad ang kislap ng tubig. It's the best weather to snorkel. Kahit masama ang ugali ni Ross ay masuwerte siya.
The presence of bright sun means more light will seethe underwater. It provides better visibility.
Sakay ng isang deckboat ay nilayag namin ang tubig para lumayo sa dalampasigan. Apat kaming lulan ng bangka. Ako, si Ross, si Troy at si Kuya Raul. Siya ang pinakabihasa pagdating sa snorkeling. Hindi ko naman kasi gamay 'to kaya kailangan pa rin namin ng kasama.
Si Troy naman ay nabasbasan din ng suwerte dahil bumisita ang dati naming cook. Ani nito ay na-miss niyang magluto. Troy was able to come with us. It is a good news for him and bad for me.
Kung anong sinikat ng araw ay siyang ipinundo ng ulap na namamagitan sa kanilang dalawa ni Ross. Malapit ko nang isipin na pinag-aawayan nila ako. Pero naaalala kong hindi rejoice ang shampoo ko.
"Mahalagang alerto kayo sa paligid niyo." Nagsimula nang maghabilin si Kuya Raul. Tungkol sa mga bagay na dapat naming gawin at iwasan.
"Huwag ninyong hahawakan ang mga koral, isda o kahit ang mga pagong."
Pinakinggan ko pa rin ang lalaki kahit kabisado ko na ang patakaran at alam ko kung bakit bawal iyon hawakan. Maraming species ng isda ang may matalim na kaliskis. They have sharp fins to deter predators. At ang iba, baka hindi namin alam ay venomous pala.
"Ano lang ang pwede naming hawakan?" si Ross.
"Ang maaari niyo lang hawakan ay ang mga bato kung mayroon man."
Sumimangot si Ross sa sagot ni Kuya Raul. Sikreto akong natawa.
"Masama rin kasi na hawakan natin ang habitat nila. It can cause death of the entire colony." Nagsalita si Troy sa tabi ko. And take note, ngayon ko lang siya narinig mag-Ingles.
"No one is asking." Nakatingin sa harapan si Ross.
Nasa gitna nila akong dalawa, samantalang si Kuya Raul ang nasa harapan. Huminto kami sa isang parte ng dagat. Tanaw pa rin ang nagtataasang gusali sa coastline. Mga langgam sa paningin namin ang mga tao roon.
"Huwag kayong hihiwalay sa akin," huling bilin ni Kuya Raul bago isinuot ang mask niya.
We put on our mask, the snorkel, the fins and the vest. Sumunod kami kay Kuya Raul nang bumagsak na siya sa tubig. Sumalubong sa amin ang grupo ng maliit na isda.
We keep in sight of each other. Kinakausap ako ni Troy gamit ang mga senyas sa ilalim ng tubig.
We became one with the sea creatures. And I never felt home more than I do when I'm underwater. Ikinakampay namin ang mga paang suot ang itim na fins.
Nilibot namin ang ilalim ng dagat. Tinuklas ang kayamanang nagtatago sa marahas na hampas ng mga alon.
I've been here for five years at ako mismo ang nagkukuwento ng kasaysayan ng isla. Pero hanggang ngayon namamangha pa rin ako sa tuwing iisiping wala ito noon. It was because of the colossal disaster that created this island.
It was like a simple reminder that disasters can grow beauty. And that some tragedies give way to miracles.
Makukulay ang isdang kasama naming lumangoy. Nang may lumapit na pagong sa amin ay natawa na lang ako sa isip. Ross used to call me turtle back then. And seeing him stare at it intently makes me assume that it also reminded him of me.
I was busy admiring the reef fishes that I didn't notice where did Ross go. Si Kuya Raul at Troy na lang ang nakikita ko. Bumilis ang tahip ng dibdib ko. Nilapitan ko si Kuya Raul. I showed him gestures. I thought he won't get it. Pero nang lumingon ako sa paligid ay nakuha niya ang sinasabi ko.
YOU ARE READING
Eight Words Love Story
RomanceOne of the boys, Alfredalae Moren Zamora, stands as an image of a beautiful lady with a heart of a man: tough, resilient, and brave-just like her father, whom she's living with alone. After her sister died of cancer and her mother left for another f...