"Kahit habang buhay na lang magalit sa akin si Ross."
My fist hit the ball to serve it. Malayo ang narating ng bola ay naabutan pa rin 'yon ni Franz. Kami lang ang tao na narito sa loob ng school court kaya rinig namin ang isa't-isa kahit hindi magsigawan.
"Pumayag ka na kasi, babes." Ibinalik ni Ace ang bola sa amin. Tinanggap iyon ni Abcd at ibinalik sa kanila.
We're playing volleyball and these three won't stop begging me to cooperate with Ace's plan. Gusto niya na magpanggap akong babae para kay Ross!
Naglalaro kami sa gym para hindi mainip sa paghihintay kay Ross. Nalalapit na kasi ang intrams namin at nagsimula ng bumuo ng team ang mga estudiyante. The students have the freedom to form their own team. Miyembro ng school basketball team si Ross at captain ball pa. Sa lagay niya, siya ang bubuo ng sarili niyang team.
Habang wala siya, nagtatrabaho ang apat na kumbinsihin ako. Sino ba naman kasi ang magpapanggap na babae para lang pagselosin ang isang babae? Ako pa talaga ang napili nila.
"Ayoko nga." Galit kong sinerve muli ang bola kaya lumagpas iyon sa linya. "May iba pang paraan para magkaayos si Ross at Celine. Don't act like your plan is the only way."
"It's surely not the only way but the most efficient way," ani Abcd.
Kinuha ni Ace ang bola at hindi na muling nag-serve. Naglakad ako papuntang bleachers nang maamoy ang susunod nilang gagawin.
Noong nakaraang linggo ko pa sila tinatanggihan. Hanggang ngayon ay desidido silang mapapayag ako. Ewan ko ba sa trip ni Ace at ako pa ang nakita niya.
"Kung tutuusin, maraming babaeng nagkakandarapa kay Ross. Bakit hindi na lang tayo humanap ng babae talaga? Hindi katulad kong baliko."
Kinuha ko sa bag ang tumbler at inubos ang tubig doon. Nagpunas ng pawis ang tatlo, pagkatapos ay naki-inom sa akin.
"The thing is Ross will be more comfortable with you," si Franz.
Hindi ko inaasahang pati siya ay sasang-ayon sa gustong mangyari ni Ace.
"At saka isipin mo, kung ibang babae ang magpapanggap kasama ni Ross, may possibility na masaktan 'yung babae in the long run; especially if we will do what you said, picking a girl from his fangirls."
Nakuha ko ang pinupunto ni Ace.
"Kapag ikaw, kampante kaming hindi ka masasaktan. Hindi mo naman gusto si Ross at aware ka sa plano nating pagpapanggap lang 'yon," he added, raising both of his brows.
"Franz is also right, komportable kayo sa isa't-isa." Humabol pa si Abcd.
Padekwatro akong umupo sa bleachers. Ipinatong ko ang siko sa tuhod at ipinahinga ang pisngi sa palad. Kunot ang noo kong pinag-iisipan kung ano ang magandang gawin o sabihin para tigilan na nila ako dahil never kong gagawin ang sinasabi nila.
Nagtataasan ang mga kilay nila sa akin, animo'y naghihintay ng sagot ko.
Napadaing ako. "Ayoko nga kasi. Ang kulit niyo. Mukha bang kaya ko maging straight? Itong mukhang 'to? Itong kilos kong 'to? Eh, papunta na 'ko sa Johnny Bravo. Mas guwapo pa nga ako sa inyo." Pasaring akong umirap.
"Walang bagay ang imposible kung gagawa ka ng paraan. Kaunting practice lang 'yan, si Moren ay magiging si Maria."
Ihinagis ko ang tumbler ko sa lalaki. Tinamaan siya noon sa tiyan. Nagkunwaring nasaktan si Ace kahit alam kong wala lang iyon sa tigas ng tiyan niya.
"Come to think of it, Moren. You'll not just help Ross but you can also make Tito happy. Hindi ba at gustong-gusto ka niya makitang maging babae kahit minsan lang?"
YOU ARE READING
Eight Words Love Story
RomanceOne of the boys, Alfredalae Moren Zamora, stands as an image of a beautiful lady with a heart of a man: tough, resilient, and brave-just like her father, whom she's living with alone. After her sister died of cancer and her mother left for another f...